Mister, Dinala ang Magandang Asawa sa Kanilang H.S. Reunion, Tinanong siya kung Ilang Taon na Silang Kasal at Nagulat ang Lahat sa kanyang Sagot

Matagal nang matalik na magkaibigan sina Kevin at Billy noong mga panahong nag-aaral pa sila sa high school.

Ngayon, may kanya-kanya na silang pamilya at halos sampung taon na silang kasal sa kanilang mga asawa. Nahirapan silang makipag-ugnayan sa isa’t-isa dahil napakalayo ang kanilang lugar na tinutuluyan at sa dami ng ginagawa.





Kaya napagdesisyunan ng dalawa na pumunta sa taonang pagdiriwang ng kanilang high school reunion at dalhin ang kanilang asawa upang makapag kamustahan at kwentohan tungkol sa kanilang buhay sa mga lumipas na panahon.

Nang makita nila ang isa’t-isa, nagulat si Kevin dahil sa napakagandang asawa ni Billy. Sinabi niya kay Billy na:

“Uy! Napakaganda ng asawa mo!”

[Wow! Your wife is so beautiful!]

Malugod siyang sinagot ni Billy na:

“Oo, sobrang ganda niya para sa akin.”

[Indeed, she is very beautiful to me.]

Patanong na sinabi ni Kevin na:

“Para kayong bagong kasal. Gaano na katagal kayong nagsasama?”

[You guys totally look like newlyweds. How long have you been married?]

Iniisip ni Kevin na bagong kasal pa lamang ang dalawa dahil nakikita niya na sobrang lapit ng dalawa sa isa’t-isa at kaaya-ayang pagmasdan na parang bagong magkasintahan nang dumating sila sa pagtitipon.



Sinabi na lamang sa kanya ni billy na:

“Magsasampung taon na kaming kasal sa isa’t-isa.”

[We have been married for 10 years.]

Ikinangulat ni Kevin ang mga salitang binitiwan ni Billy. Hindi napigilan ni Kevin na magduda at sinabi na:

“Hindi nga?! Kung titingnan ay para kayong bagong kasal! Kung tutuusin, sampung taon na rin akong kasal katulad mo. Ngunit kung titingnan mo ang aking asawa, hindi na siya tulad ng dati. Hindi katulad ko, napakaswerte mo dahil mayroon kang napakagandang asawa.”

[No way! You guys look like as if you just got married recently! I have to admit that I have also been married for 10 years, just like you, but look at my wife. She does not look like she used to before. Unlike me, you are so lucky to have a gorgeous wife.]

“Ngunit, naging mabuti siyang asawa sa akin at mabuting ina naman sa mga anak ko. Habang tinitingnan ko ang asawa mo, malamang ay mayroon kayong katulong upang gawin ang mga gawaing bahay, hindi ba?” Patanong na sinabi ni Kevin kay Billy.

[Well, at least my wife has been a good wife and mother to my children. Looking at your wife, I am sure you have hired a housekeeper to help her do all the house chores, right?]

Natawa na lamang si Billy sa mga sinabi ni Kevin at nasabi niyang:

“Hindi, mali ka diyan sa sinasabi mo. Mukha lang siyang walang ginagawa sa bahay pero kung tutuusin, siya ang lahat na gumagawa at kumikilos para maasikaso ang aming bahay. Siya rin ang nag-aalaga sa aming anak na babae na kamukhang-kamukha niya.

[No, you are wrong. My wife may look like she has not done anything at our home but believe me, she is the best when it comes to managing our household. Plus, our daughter looks exactly like her.]



Natulala si Kevin sa sinabi bi Billy. Hindi siya makapaniwala na ganoon na lamang kaganda ang kanyang asawa kahit na napakarami itong ginagawa sa kanilang bahay.

Hindi nakuntento si Kevin sa mga sagot ni Billy kaya natanong niya ito na:

“Kung ganoon naman, bakit mas malayo ang agwat ng itsura ng aking asawa kumpara sa iyong asawa.”

[But why does my wife look so different than your wife?]

Nasagot na lang muli ni Billy na:

“Naaalala ko pa ang paborito niyang pagkain, ang kanyang mga madadalas na ginagawa, pati na rin ang mga nais niyang ipahiwatig o sabihin.”

[I remember her favourite food, her hobbies and I could even guess what she wants to say before she even finishes her sentences.]



“Ginagawa ko lahat para sa kanya. Tinatalian ko ang kanyang sapatos sa tuwing lumuluwag ang pagkakahigpit nito. Minsan pa nga ay binibilhan ko siya ng mga prutas na gusto niya sa tuwing umuuwi ako sa aming bahay.

Hindi ko siya pinapabayaan at madalas kong hinahalikan sa noo bago ako umalis ng bahay. Minsan pa nga ay sinusundo ko rin siya sa palengke sa tuwing umuulan.

Alam niya kung paano gastusin ang sarili niyang pera para sa kanyang pamilya kaya naman hindi siya nakakabili ng sarili niyang damit. Kaya naman, kada buwan ay binibilhan ko siya ng mga bagong damit. Ikaw? Ano na ang mga nagawa mo para sa iyong asawa hanggang ngayon?

[ I tied her shoelace when it comes loose. I will give her a quick massage when she is too tired. Sometimes, I buy fruits that she likes on my way going back home. I never forget to kiss her forehead before I go to work and I will always pick her up from the market if it is raining. She knows that it is better for her to spend her money on her family so she rarely buys herself new clothes but since I know her size, I will make sure to buy her new clothes every month. Are you like me? What have you done to your wife so far?]

Nahiya si Kevin sa mga sinabi ni Billy. Naalala niya pa ang mga panahon na masyadong mataas ang tingin niya sa sarili. Parati niyang pinapagalitan ang kanyang asawa dahil sa mga mabababaw na rason at pagkakamali. Minsan pa nga ay naitala silang nag-aaway dahil sa kakaunting pagkakamali. Madalas na pinapagalitan ni Kevin ang kanyang asawa dahil sa mga mabababaw na dahilan.

Inamin ni Kevin na hindi niya magagawang pagsalitaan ng masama ang kanyang asawa.

Idinagdag pa ni Billy na:

“Hindi mo na kailangang maghintay ng okasyon para sabihing mahal mo ang iyong asawa. Ang sikreto sa aming relasyon ay hindi ang mga dyamante o pera. Ngunit, mas importante pa rin ang sinsiridad at pagmamahalan.

[You don’t have to wait for special occasions to say how much you love your wife. The secret is they don’t really want to be spoiled with diamonds and flowers. All they want is our sincere and love.]

“Masasabing ibinibigay ng mga asawa natin ang kanilang buong oras sa mga gawaing bahay ngunit hindi ito ang rason para hindi na sila tulungang matugunan ang nga pang-araw-araw na gawain.” Idinagdag pa ni Billy.

Pinangarap ni Billy na maiintindihan ni Kevin ang kanyang mga sakripisyo para sa pamilya. Dagdag pa niya, ninais niyang makita ni Kevin ang halaga ng kanyang asawa. Ngunit ang ginawa niya lamang ay utusan at pahirapan ang kanyang asawa. Simula noon ay nagbago si Kevin at mas piniling mahalin at ibigay ang lahat sa kanyang asawa.

Anong masasabi niyo sa istorya ng dalawang magkaibigan? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.



Please follow and like us: