Mga Tao sa Isang Kainan Nasurpresa Matapos Biglang Nagpakita si Jose Mari Chan at Inalayan sila ng Isang Kanta

Si Jose Mari Chan ay isang sikat na mangaawit. Siya ay mas kilala pa kesa kay Santa Klaus tuwing pasko dito sa Pilipinas dahil sa kanyang mga awitin.

Sa tuwing unang araw ng Setyembre, nagsisimula ng pinapatugtog ang kanyang mga awitin sa mga kainan, malls at mga bahay lalo na ang “A Perfect Christmas” at “Christmas In Our Hearts.”



Ang biro nga ng ilan baka raw na hack na ni Jose Mari Chan ang bawat mall o kainan dahil halos paulit-ulit pinapatugtog ang kanyang mga awitin lalo na pagsapit ng mga buwan na nagtatapos sa “Ber”.

Isang araw sa unang lingo ng Setyembre, nakarinig ng kanta ni Jose Mari Chan ang mga kumakain sa restawran ngunit wala silang naging kakaibang reaksyon dahil sanay na silang marinig ang mga kanta niya tuwing kapaskuhan.

Maya maya pay lumabas si Jose Mari Chan na may dalang mikropono at kumakanta habang papalapit sa mga kumakain sa food court.



Nagulat ang mga tao sa kanilang nasaksihan at halos di makapaniwala na ang naririnig nila ay si Jose Mari Chan at hindi lamang isang record. Natuwa at namangha ang karamihan sa kanilan nakita.

Dahil dito ang ilan sa kanila ay dali-daling kumuha ng kanilang mga cellphone para kumuha ng video at ang ilan naman ay napatigil sa pagkain at pinapanood ang pagkanta ng mangaawit.



Ang iba naman ay hindi na napigilang lumapit mismo kay Jose Mari Chan nag papicture pa! Kitang-kita din sa mukha ni Jose Mari Chan ang tuwa na makitang maraming tao ang kanyang napasaya sa ginawa niyang pagkanta.

Marami sa mga taong nakapanood ng video ang naiingit sa mga taong nasa foodcourt kung saan sinorpresa ni Jose Mari Chan ang mga kumakain at hinarana ng mga kantang pang pasko.

source: buzzooks



Please follow and like us:

Related Post