Mga Road Workers sa Tazhou China Naka Hukay ng “Once in a Lifetime Discovery” Habang Ginagawa nila ang Isa sa mga Daan sa Kanilang Lugar

May kamangha manghang bagay naba kayong nadiskubre sa tanang buhay niyo? Kung mayroon na diba hindi mo maipaliwanag ang iyong nararamdaman ng madiskubre mo ito?

Lalo na kapag ang nadiskubre mong bagay ay mas matanda pa sa iyong ninuno kagaya nalang ng nadiskubre ng mga trabahador sa Bansang China.



Isang daan sa syudad ng Taizhou, China ang ginagawa para palawakin at habang naghuhukay ang mga trabahador ay may nadiskubre silang isang bagay na talaga namang kamanghamangha. Kahit na kaunting parte palang ng bagay na ito ang kanilang nahuhukay inisip agad nila na ito ay hindi pangkaraniwang na bagay at siguradong may nakatago dito ng matagal ng panahon.

Para malaman nila kung anu talaga ang bagay na ito, naghukay pa sila ng naghukay hanggang sa unti unti na nilang nakikita ang kabuoan ng misteryosong bagay na ito, at sa puntong iyon kitang kita na sa muka ng mga trabahador ang pananabik na malaman kung ano nga ba talaga ang laman nito.

Alam din kasi nila na sa loob ng simentong ito ay may nakatagong misteryo na siguradong nagmula pa noong unang panahon. Huminge ng tulong ang mga construction workers sa mga eksperto upang matulungan silang suriin ang laman ng misteryosong bagay na ito.

Nang binuksan na nila ito, napagalaman nila na isang bangkay mula pa noong unang panahon ang kanilang nadiskubre at dahil matagal na ito, sigurado silang ito ang kaunaunahang pagkakataon na madodokomento ang bagay na ito sa kasaysayan ng kanilang lugar.

Nang simulan nilang buksan ang bato bumulaga sakanila ang isang katawan ng tao na nakabalot sa tela at nakababad sa tubig.





Nang suriin ito ng mga eksperto sinabi nila na hindi lang ito basta kaatawan ng tao na inilibing kundi ito ay isang uri ng mummy kung saan ipreneserve ang katawan sa di pa malamang kadahilanan.

Dagdag pa ng mga eksperto na ang mummy na ito ay isang babae na may edad na 700 taon na.

Ayon pa sa mga arkeologo na nagsuri sa katawan ng babae na ito ay maaring kabilang sa mayamang pamilya ng Ming Dynasty dahil narin sa paraan ng pagkakalibing dito at sa suot nitong alahas sa leeg at kamay.



Dagdag pa nila na ang katawan ng babae ay nasa maayos pang kondisyon sa katunayan niyan kahit matagal na itong nakalibing ay hindi parin ito naaagnas ng husto at nakikita pa ang detalye ng kanyang muka tulad ng kilay, labi, mata at ilong.

Madali din nila itong naalis sa loob ng bato at nailipat sa ibang pwedeng paglagyan. Marahil dahil narin sa maganda at maayos ang pagkakalibing at pagkakabalot sa katawan ng babae kaya hindi agad ito naagnas at nasira.

Para mapagaralang mabuti ang kasaysayan ng nadiskubre ng mga trabahador, kinuha at dinala nila ang katawan at ang mga gamit na pinambalot dito.

Ayon sa mga eksperto na hindi sila mahihirapan na pag-aralan ang nadiskubreng ito dahil sa hindi pa tuluyang naagnas ang katawan nito.



At dahil may mga moderno ng teknolohiya ay mas madali na itong mapagaaralan kung saan nga ba at anong panahon nangaling ang babaeng ito.

Dahil sa modernong panahon natin ngayon, unti unti ng pinapalitan ng teknolohiya ang ating nakagisnang kultura at paniniwala. Kaya naman ang nadiskubre ng mga trabahador na mummy ay talaga namang kamangha mangha.



source: boredomtherapy

Please follow and like us:

Related Post