Mga Kakaibang Bagay, Natagpuan sa Kilalang Kanal na ito Matapos Tanggalin ng mga Otoridad ang Tubig dito sa Unang Pagkakataon

Minsan ba napapaisip din kayo kung ano nga ba ang mga mahahalagang bagay na puwedeng makita sa isang ilog, kanal o kahit anong daanan ng tubig pag ka ito ay natuyo?

Sigurado sa paglipas ng panahon hindi maiiwasan na may itapon jan o mahulog na mahalagang bagay.



Katulad nalang ng isang Kanal sa Paris France, ang tanyag na The Canal Saint-Martin na isa sa pinaka matanda at magandang daluyan ng tubig na matatagpuan sa bansang France.

Pero sa paglipas ng panahon ang magandang daluyan na tubig na ito ay naging madumi dahil at di nagtagal tinagurian na din itong isa sa pinaka maduming kanal sa Paris.

Ang kanal na ito ay itanayo ng tanyag na si Napoleon Buenapart isa sa bayani ng bansang France. Itinayo ni Napoleon ang kanal na ito upang maging silbing daluyan at suplay ng malinis na tubig sa mga mamamayan na nakatira dito.

Pero habang lumilipas ang panahon nawawala na ang orihinal na itsura ng kanal na ito at naging madumi ito simula ng dumami ang nakatirang tao sa paligid nito at dumami narin ang mga gusali, turistang dumarayo dito at mga restawran, inuman at kung ano ano pa na dahilan ng pagiging madumi nito.



Noong 2001 nilinis ang kanal na ito at nakalikom sila ng higit kumulang na 40 tons na basura sa ilalim ng kanal. Dahil kailangan ito linisin kada 10 hangang 15 taon ang mga otoridad ng siyudad ay nag desisyon na linisin ulit ang kanal noong 2015.

Noong una kinailangan nila alisin ang tubig sa kanal na halos naglalaman ng 90,000 cubic meters ng tubig.

Noong naalis na nila ang tubig at halos nasa 50 cm nalang ang natitira doon na nila nakita at nahuli ang halos 4.5 tons ng ibat ibang klase ng isda katulad ng trout, carp at bream.



Ayon sa mga otoridad na kanal na ito ang ginawang tirahan ng mga isdang ito kaya ganon nalang ito kadami.

Pero ang mga isdang ito ay hindi para ibenta at lutuin, ang ginawa ng mga otoridad ay inilagay ito sa mga plastic bin tsaka nila inililipat sa malinis na naparte ng kanal.

Matapos ang tatlong araw, halos tuyo na ang kanal at dun na nila nakita ang libo libong gamit na nakabaon sa putik.

Ang mga nasabing bagay na nakita sa kanal ay, daan daang bisikleta, lumang kamera, mga bote ng ibat-ibang alak, mga lumang radyo, scooter at pistols.



Daan-daang piraso ng bote ng alak at iba pang inomin.

Isang modernong scooter na tila nahulog o hinulog sa kanal.

Mga bisikleta na tila galing pa noong unang panahon, siguro mga late 80's or 90's.

Nakakagulat din isipin kung paano napunta dito ang isang grocery cart.



Isang bagong motorsiklo na tila bagong hulog lang.

May nakita din na mga telepono, katulad nito isang touchscreen na telepono.

Mga lumang radyo na tila itinapon na dahil hindi na gumagana.

Isang kamera na puwede ilagay sa museo dahil sa sa antigo nitong itsura.



May nakita din na mga bangko at handrails na bakal.

Isang lumang bagahe na walang laman.



At Isang inidoro na tila nilipasan na ng ilang dekada.

May mga pistol din na nakuha pero ang mga ito ay agad din isinuko sa mga pulis. Ayon sa mga nakatira malapit sa kanal na isa sa mga naging sanhi ng pagkasira at pagdumi ng kanal ay ang walang tigil na pagdagsa ng turista dahil sa pagiging popular ng kanal na ito.

Isang kampanya sa social media ang isinagawa ng deputy mayor na si Celia Bauel ang incharge sa enviroment advised. Ang nilunsad na kampanya ay tungkol sa raise awareness para maiwasan ang pagdumi ng kanal, ay iwasan na magtapon ng mga bagay katulad ng mga inomin, basura at kung ano ano pang makakasira at magpapadumi dito.

Ayon kay Celia na:

“If everyone mucks in and avoids throwing anything in the water, we might be able to swim in the canal in a few years, as in numerous other European cities,”.

ano ang masasabi nyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: good times



Please follow and like us:

Related Post