Maykapansanang Ina, Naubos ang Pera Matapos Gamitin ng Kanyang Anak ang Kanyang Bank Card sa Isang Video Online Game

Ang mga video at online games ay nakakahumaling talaga para sa mga kabataan at karamihan dito lalo na ang mga bagong labas ay may kamahalan.



Ang isa sa mga sikat na online games ngayon ay ang Fortnite. Naging sikat ito sa mga kabataan sa buong mundo dahil sa nakakaaliw nitong gameplay kung isa itong uri ng laro na naglalaban laban gamit ang ibat ibang uri ng armas at matira matibay ang labanan, ang matira ay siya ang tatanghaling panalo.

Si Jayden-Lee, sampung taong gulang na bata ay naglalaro ng Fortnite at gumastos na ng $1,535.25 mula sa card ng kanyang ina.

Si Cleo Duckett, apatnaput-anim na taong gulang na nakatira sa Bridgend South Wales ay naiwan na walang pera pambayad sa kanilang pagkain at kuryente dahil lamang sa larong Fortnite ng kanyang anak.

Si Cleo ay may dalawang anak at sa kasamaang palad maysakit na polyo at nangangailangan pang gumamit ng wheelchair upang makagalaw. Wala siyang kaalam-alam na malaki na pala ang nagagastos ng kanyang anak sa video game na Fortnite mula ng matignan niya ang kanyang bank account noong gabi ng Biyernes.

Si Cleo ay tumatanggap ng halos $900 kada buwan mula sa kanyang mga benepisyo. Nagulat nalang siya noong kukuha na sana siya ng pera sa bangko ngunit sa kasamaang palad nakita niyang $10 nalang ang natira sa kanyang pera.



Matapos malaman na halos maubos na ang kanyang pera sa kanyang bank account, nakatanggap pa siya ng text mula sa bangko na may utang pa siya dito.

Ayon sa salaysay ni Cleo na:

“Ang anak ko ay iyak ng iyak habang inaamin niya ang kanyang ginawa. “

“Ginamit niya ang pera ko sa banko ng walang paalam sa akin at inilagay ang mga detalye ko sa kanyang Xbox para mabili niya ang mga kailangan sa kanyang larong Fortnite.

Gumastos siya ng $1,534 at nagkaroon pa ako ng utang sa bangko na $315.”

Ang may kapansananng ina na ito ay pumunta sa kanyang bangko sa Cardiff noong Sabado ng umaga at sinabihan siya ng tauhan ng bangko na kailangan niyang bayaran ang kanyang utang.



Ayun kay Cleo, hindi pumayag ang bangko na siya ay tulungan sa kanyang utang at sinabi na responsibilidad niyang bantayan ang kayang anak at panagutan kung ano man ang mga ginawa nito.

“Hindi ako kriminal. Hindi din ako nagnakaw ng pera o gumamit nito para sa sarili kong laro. Mahigit dalawampung taong na ako sa bankong ito pero tumanggi silang tulungan ako.”, pahayag ni Cleo.

Sinubukan na din ni Cleo na kausapin ang mga tauhan ng Fortnite ngunit wala siyang natanggap na sagot sa mga ito.

Binigyan ng bangko si Cleo ng ideya para mabayaran ang kanyang natitirang utang at ito ay sa pamamagitan ng installment ngunit wala siyang pera para ito ay mabayaran kahit pa na sa installment na pamamaraan.

Dahil dito napilitan siyang kumuha ng pera mula sa savings account ng kanyang anak at kailangang magtipid hanggang sa dumating ang kanyang susunod na benepisyo sa ika-6 ng Setyembre.

source: nobledrift



Please follow and like us:

Related Post