Lalake Nainis nang Makitang Kinain ng isang Matanda ang Biling ‘Donuts’ — nang Malaman ang Katotohanan ay Nanlumo ito sa Kahihiyan

Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang bumili at iba ang kumain?

Katulad na lamang sa kwento ng isang lalaki na inakalang kinain ng matanda ang kanyang biniling donuts. Nagmistulang parang bata na inagawan ng pagkain ang naging reaksyon nito. Subalit nung siya’y umalis ay agad nitong napagtanto na siya pala ang may kamalian. Ano nga ba talaga ang nangyari?



Si Tom, nakapambihis mayaman, habang naghihintay sa kanyang flight ay nakaramdam ng pagkabagot at gutom. Kung kaya’t tumungo siya sa isang bakery at bumili ng makakain.

Nang papalapit na siya ay agad nitong nalasap ang aroma ng iba’t ibang klase ng tinapay. Masasarap ang mga ito. Ang donut ay nasa $5 kada piraso lamang kung kaya’t agad naman itong bumili ng limang piraso upang mapawi ang gutom dahil medyo matagal tagal pa ang kanyang hihintayin.



Naisip niyang mas masarap kumain habang nagbabasa ng diyaryo. Tumungo ito sa may mesa at pumwesto sa isang matandang may mahabang balbas.

Umupo si Tom sa harap ng matanda at nilapag ang bitbit na suitcase. Nang buksan na niya ang pahina ng diyaryo ay napansin nitong kumuha ang matanda ng donut sa kanyang supot.

Nagulat si Tom subalit pinalagpas niya ito sapagkat ayaw niyang mag-iskandalo. Sa halip ay inisip na lamang niya na meron pang apat na natitirang donut. Kumuha siya ng isang piraso at nagpatuloy sa pagbabasa ng diyaryo.

Maya maya’y muli na namang kumuha ang matanda ng donut sa kanyang supot. Habang nakikitang ngumunguya ang matanda ay unti-unting tumataas ang tensyon. Nairita si Tom subalit pinigilan niya ito. Sumunod ay muli na namang kumuha ang matanda na parang siya ang nagmamay-ari ng pagkain sa supot. Imbes na magalit ay kumuha din si Tom at kumain ng may pagpipigil sa kanyang emosyon.



Tinulungan niyang pakalmahin ang sarili kahit na ito’y naiirita na sa matanda. Agad niyang naisip na: Ano kaya ang gagawin ng matanda kung isang donut nalang ang natitira? Ang lakas naman ng loob niya para kunin pa ‘to sa akin.

Nang makita ng matanda ang panghuling donut ay saglit itong huminto at ngumiti kay Tom. Kinuha niya ang donut at hinati ito sa dalawa at binigay kay Tom ang kahati.

Sa sobrang irita ni Tom ay bigla nitong inagaw sa kamay ng matanda ang kalahating donut. Hindi siya makapaniwala na makaka-engkwentro siya ng taong bastos. Mismong sa harap pa talaga niya! Maya maya’y naalala ni Tom na kailangan na niyang magmadali sa kanyang flight. Agad niyang kinuha ang mga bitbit at ang kanyang jacket.

Nang makaalis na si Tom ay agad na tumambad ang supot ng donuts. Laking gulat ni Tom dahil wala itong kabawas-bawas ni isa. Napagtanto niya na siya pala ang kumain sa donuts ng nakakatawang matanda. Subalit, huli na ang lahat upang humingi ng pasensya sa matanda.



Buong pag-aakala ni Tom na ang matanda ang walang hiyang kumakain sa kanyang donuts subalit siya pala itong nakikihati sa matanda. Ni walang imik ang matanda, sa katunayan ay masaya pa itong ibinahagi ang donuts kay Tom.

Minsan ba sa buhay ay naranasan mo ding magkamali? Sa una akala mo’y ikaw na ang tama? Ang kwentong ito y kapupulutan ng aral na huwag tayong humusga sa ating kapwa lalo na kung ang pagbabasehan ay ang pisikal na anyo. Huwag pairalin ang kayabangan sa halip ay matutong magpakumbaba.

source: gtgoodtimes



 

Please follow and like us:

Related Post