Kundoktor ng Isang Bus Ginawang Punching Bag ang Muka ng Isang Pasaway na Pasahero

Isang viral video ng gulo sa pagitan ng pasahero at ng konduktor na nagsimula sa loob ng bus ang naging viral ngayon sa social media.



Sa bidyong ipinost ng Facebook user na nangangalang Janno Cabatuan makikita dito ang konduktor na inuulan naman ng sunod-sunod na suntok ang pasaherong may suot ng pulang damit.

Masuwerte namang may isang pasaherong naglakas loob na pumagitna sa dalawa upang hindi na magpang-abot muli. Maririnig din sa nasabing bidyo ang mga nagsisigawang pasahero na nagpapaalalang may mga kasamang bata sa loob kung kaya’t maaari tumigil na at huwag hayaan pang galit ang mangibabaw sa ganoong sitwasyon.



Kahit makikita sa bidyo na inuulan ng sunod-sunod na suntok ng konduktor ang lalaking nakapula, alam ng mga pasahero lalo ni Cabatuan ang tunay na dahilan at pangyayari.

Ayon sa kanila, ang pasaherong nakapula umano ang siyang may kasalanan at ang nagsimula ng gulo. Wala daw itong perang pambayad o pamasahe ngunit ito pa daw ang may lakas-loob na magtapang-tapangan at humamon ng away sa konduktor.



Sa kabilang banda, aminadong may pagkukulang din sa insidente ang nasabing konduktor. Hindi niya nagawang magtimpi at magbigay ng mas mahabang pasensiya upang di na pumatol at lumaban pa sa konduktor. Pero may kasabihan nga, tao lamang tayo, kagaya ng konduktor may mga hangganan at limitasyon din ito.

Umani ng ibat’-ibang reaksyon sa loob ng bus ang pangyayaring ito. Karamihan sa pasahero lalo na ang may mga dalang bata ay di maiwasang magpahayag ng pagkadismaya at pagkagalit sa ginawa ng dalawa.

Panoorin ang kabuoan ng video:

pinoythingking



 

Please follow and like us: