Kilalanin si Bao Bao ang Excited na Baby Panda na First Time Naka Kita at Nakapag Laro sa Nyebe

Ang panda ang isa sa pinaka cute na hayop na masarap alagaan at hindi natin ito maitatangi. Sino ba naman ang hindi mangigigil kapag naka kita ka ng isang panda lalong lalo na kung ito ay baby palang.



Katulad nalang ng 16 month old female na pandang ito na pinangigilan ng mga netizens sa social media matapos makunan ng video na pagulong gulong sa nyebe.

Ang female panda na si Bao Bao ay sobrang excited dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na makikita at mararanasan niya ang taglamig kung saan puwede siyang mag pagulong gulong sa yelo at maglaro.

Ang video na ito ay kuha 3 taon na ang nakalipas at kuha ng mga tagapamahala ng Smithsonian's National Zoo matapos ay inupload sa Youtube. Marami ang nakapanood ng video at hindi napigilan ang paghanga kay Bao Bao at may iba pang nagsasabi na sana may alaga silang katulad ni Bao Bao.



Sa nakuhang video footage kitang kita si bao bao na pagulong gulong sa nyebe at tuwang tuwa habang ginagawa ito. Kinokolekta niya din ang nyebe at ibinabato sa kanyan nanay na si Mei Xiang na tila nakikipag laro dito.

Ayon sa caption ng video:

“As the year’s first blanket of snow coated the Washington, D.C. area today, giant panda Bao Bao spent much of the morning playing in it for the very first time.”

“The sixteen-month-old panda cub tumbled down the hill in her outdoor enclosure, climbed trees and pounced on her mother Mei Xiang

Our great cats, seals and wolves also enjoyed the wintry weather.”

Umabot ng halos 6 na million ang nakapanood ng nasabing video at hindi makaget over ang mga netizens sa kacutetan ni Bao Bao.



Narito at panoorin ninyo ang kabuoan ng video ni Bao Bao:

source: goodtimes



Please follow and like us:

Related Post