Isang OFW Instant Milyonaryo Matapos Mapanalunan ang Php14.5M na Premyo sa Isang Remittance Company’s Raffle Promo sa UAE

Kamakailan lamang, isa ang kupon ni Gina Realuyo sa siyam na napakasuwerteng napili para sa qualifying round mula sa mahigit limang milyong kalahok nang raffle promo ng isang Remittance Company sa UAE. Ang Al Ansari Exchange ay isang remittance company na nakabase sa UAE ang naghandog ng pa-raffle para sa kanilang dalawang buwan na reward promo.



AED 1,000,000 (Php14.5 million) ang naghihintay na maiuuwi ng masuwerteng grand prize winner, magbibigay din ng cash reward ang kompanya, at isang brand new Mercedes Benz 2018 model para sa iba pang mananalo.

Pahayag ni Gina, sa nakalipas na sampung taon, regular siyang nagpapadala ng AED 1,695 (Php 24,600) para sa pamilya niya sa Pilipinas. Kagaya ng iba pang mga lumahok sa raffle promo, nakatanggap din si Gina ng kupon. Ika-14 ng Agosto ng ibinalita sa kanya na kasama ang kupon niya sa siyam na napiling magpapatuloy sa qualifying rounds.

Tatlo sa siyam na masuwerteng napiling kalahok ay kapwa niya Pinoy din. Sila ay naimbitahang dumalo sa live grand draw raffle noong martes, ika-28 ng Agosto.



Ang nasabing anunsyo ng mananalo ay napanuod via live streamed sa lahat ng social media channels ng Al Ansari Exchange, at masuwerte ngang maituturing na pangalan ni Gina ang nabunot para sa Grand Prize Winner.

Ayon kay Gina, walang paglagyan ang kanyang tuwa ng mabunot ang pangalan para maging milyonaryo sa taong ito.



Isang daw itong pagkakataong makakapagpapabago sa buhay niya kung saan makakatulong upang mas mapabuti at mabigyang katotohanan ang kanyang mga pangarap, lalo na ang matustusan at mabigyan ng desente at magandang buhay ang kanyang pamilya.

Ayon sa tagapangasiwa ng Al Ansari Exchange na si Rashid Al Ansari, umaasa silang ang perang napanalunan ay magamit sa mabuti at magdudulot ng magandang pagbabago sa buhay ni Gina at ng kanyang pamilya. Dagdag pa niya, natututwa sila sa dami ng entries na kanilang natanggap para sa raffle promo ngaung taon.

Nabunot din sa nasabing raffle promo ang mga Pinoy na sina Antonio Artisuela na umuwi ng Mercedes Benz 2018 model at si Honesto Dela Cruz na nanalo ng perang nagkakahalaga ng AED 10,000 (145,500).

Isang napakasayang pagkakataong para sa kagaya ni Gina na naninilbihan sa ibang bansa at matagal ng napalayo sa pamilya ang mabigyan ng biyaya na ganito, na ang tanging pangarap ay ang makauwi ng bansa kagaya ng iba pang mga OFW.

source: buzzooks



Please follow and like us:

Related Post