Isang Misteryosong Tila ‘Asul na Dragon’ Inanod sa Dalampasigan at Pinagkaguluhan ~ Mga Eksperto Nagbigay ng Babala na Huwag itong Hawakan

Isang hindi kilalang nilalang ang bigla nalang lumitaw sa dalampasigan ng Sydney dahilan upang dumugin ito ng tao at ng mga media.

Ang nasabing nilalang ay isang tila mukang alien-like dragons na bigla nalang lumitaw sa baybayin ng Sydney sa kauna unahang pagkakataon.



Tinawag ito ng mga eksperto na blue dragon of the sea, at kilala din sna Blue Ocean Slugs na may scientific name na Glaucus atlanticus.

Sa kabila ng kanilang maganda at kakaibang itsura, binalaan ng mga eksperto ang mga mamayan na huwag itong hawakan dahil maari itong magbigay ng mapanganib na lason na puwedeng ikasawi ng isang tao.

Ayon sa Australian Museum's Melissa Murray na ang nakakabighaning nilalang na ito ay parte ng blue bottle family.

“They’re absolutely beautiful,” she said.

“The glaucus atlanticus normally has tentacles in its system. If another creature tries to eat it, they use the tentacles as a defence mechanism,” Salaysay ni Murray.

“So if you do see one, don’t pick it up with your hands. Use a bucket with water instead,” Dagdag sa mga inilabas na salaysay ni Murray.



Ayon sa mga eksperto na ang mga blue dragon slugs na ito ay inaanod sa ibat-ibang dalampasigan kada taon, ngunit nawawalan din ng buhay bago pa man ito makarating sa pampang.

Ayon pa sa mga eksperto na ang kinakain lang ng mga ito ay ang mga poisonous jellyfish o yung mga nakakalasong dikya at isa sa mga paborito nila ay ang tanyag na Portuguese man o'war o ang pinaka mapanganib na dikya sa balat ng lupa dahil sa daladala nitong napaka delikadong lason.

Portuguese man o'war

Ang mga blue dragons slugs na ito ay kinukuha ang mga lason sa mga dikyang kanilang nabibiktima at iniimbak sa isang parte ng kanilang katawan upang gawing panlaban sa mga predators na gustong kumain o saktan sila.



Lumalaki hanggang tatlong sintemetro ang mga blue dragons slugs na ito at madalas matatagpuan sa mga mainit at tropikal na tubig. Sumusunod lang din ang mga ito sa direksyon kung saan papunta ang alon kaya madalas sa mga ito ay napapadpad sa mga baybayin dahilan upang ikasawi nila.

Ano ang masasabi niyo sa mga Blue Dragons Slugs na ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon patungkol sa artikulong ito.



Please follow and like us:

Related Post