Isang Lalaki Tumama ang Numerong Tinayaan sa Lotto, Kaibigang Pinagkatiwalaan ng Kanyang Ticket para Kunin ang Premyo Itinangi na Ibinigay sakanya ang Winning Ticket

Isa sa mga nakapaloob na kwento sa ‘ Kapuso Mo Jessica Soho’, ay ang kwento ni Lolo Edilberto tungkol sa kanyang tiket na nanalo sa loto.



Ayon kay Lolo Edilberto hawak niya ang nanalong loto ticket para sa 6/45 na bola noong ika-apat ng Disyembre 2015. Ayon sa kanya, nakakita siya sa kalsada ng isang loto tiket na may kombinasyong  numero na 14-43-45-05-15 ito ang mga numero sa napulot na ticket ang kanyang ginamit ng siya ay tumaya.

Tumama ang mga numerong tinayaan ni Lolo Edilberto na may premyong 89 milyong piso ngunit sa kasamaang palad hindi niya alam kung paano niya kukunin ang premyo sa loto kaya nagdesisyon siyang ipagkatiwala ang kanyang tiket sa kanyang kaibigan na si George na may-ari ng isang lotohan.



Ngunit makalipas ang ilang araw, itinanggi ni George na ibinigay sa kanya ni Lolo Edilberto ang tiket ng lotto at dahil dito nagdesisyon ang pamilya ng matanda na iparating sa barangay ang nasabing isyu.

Makalipas pa ang ilang buwan, napansin nila Lolo Edilberto na nagpaayos ng bahay ang pamilya ng kaibigan niyang si George at bumili pa ng bagong sasakyan.



Dahil dito hindi maiwasan ni Lolo Edilberto at ng kanyang pamilya ang sama ng loob kay George at sa pamilya nito.

 

Tatlong taon na ang nakakalipas bago maipalabas sa ‘Kapuso Mo Jessica Soho’ ang kwentong ito nagsagawa ng imbestigasyon ang programa kung sino nga ba ang nanalo at kumuha ng nasabing premyo sa lotto noon ika-apat ng Disyembre 2015.

Ayun sa OIC at Branch Manager ng PCSO isa lamang ang nanalo ng premyo sa loto at ito ay taga Quezon City at hindi galing sa Visayas Region kung saan nakatira si Lolo Edilberto.

Ng marining ang nakakalungkot na balita, naging emosyonal si Lolo Edilberto at di halos matanggap ang balita.

Narito at panoorin ninyo ang buong pangyayari:



Please follow and like us:

Related Post