Isang Lalaki ang Napagkamalang Baliw Matapos Manirahan sa Isang Kuweba, Ngunit Laking Gulat ng Lahat ng Ipakita niya ang Loob nito

Sa panahon ngayon mas pinipili ng karamihan na mamuhay ng kumportable sa modernong paraan kaysa mamuhay sa makalumang kultura na walang kahit anong bakas ng teknolohiya.

Isa ang teknolohiya sa nagpapaginhawa sa ating buhay dahil napapabilis nito ang ating mga gawain at trabaho sa pangaraw-araw. Dahil dito, nasanay na ang mga tao sa mabilis at praktikal na estilo ng buhay.



Ngunit isang negosyante ang nagpatunay na kayang mamuhay ng marangya ang isang tao kahit na malayo siya sa kumunidad at walang gaanong teknolohiya. Si Angelo Mastropietro, isang 37-taong gulang na negosyante na galing Australia, ay nagdesisyon manirahan sa kuweba upang talikuran ang modernong pamumuhay at asensadong siyudad.

Inabot siya ng walong buwan para maayos ang isang lumang lungga at gawin itong napakagandang man-made na kuweba na matatagpuan sa Wyre Forest sa Worcestershire. Naglagay din siya ng mga simpleng akomodasyon na kailangan niya para mabuhay tulad ng tubig, heater, at Wi-Fi para sa kanyang komunikasyon.

Nasuri ng mga doktor si Angelo at nalaman niyang mayroon siyang multiple sclerosis noon 2007.

Isa itong malubhang karamdaman na maaaring mag-resulta sa kamatayan. Nabago ng sakit na ito ang pamumuhay ni Angelo.

Pagkatapos niyang malaman na meron siyang sakit na multiple sclerosis sa edad na 29, naudyok siya ng kanyang kalagayan at naisipang bumili ng kuwebang balak niyang tirhan. Dahil dito, naisipan din niyang iwan na ang mapang-abuso at mahirap na trabaho bilang negosyante.





Bago siya magretiro, naalala niya ang 250 milyong taong gulang na kuwebang halos 10 taon nang hindi niya pa nakikita. Sinabi niya sa Daily Mail na ang kuwebang iyon ay nagsilbing silong niya sa gitna ng bagyo.

Noong umpisa, nagduda siya kung pwede siyang manirahan sa kuweba. Ngunit pagkatapos niyang mamuhunan ng kanyang oras, pera, at enerhiya sa bagay na iyon, natapos ni Angelo ang kanyang pangarap na tirahan.

[Ayon kay Angelo, maganda ang lokasyon ng bahay. Nakakagaan ng pakiramdam at nakakapawi ng problema ang manirahan sa lugar na iyon.]

Ang kuwebang tinitirhan ni Angelo ay may apat ba kwarto na halos 300 taon na ang tinagal. Sinasabing isa ito sa mga pinakamatandang kuweba na hindi na tinitirhan pa sa buong Europa. Ayon sa mga arkeologo, nabuo ang mga parte ng kuweba simula nang 800 na taon na ang nakalilipas

Tingnan ang nasa loob ng napakamarangyang kuweba:







Isa si Angelo sa mga taong nagpapatunay na masarap mamuhay ng simple at komportable lalo na at sariwang hanging at tahimik na paligid ang iyong maaamoy at mararamdaman sa umaga pagising. Ano ang masasabi nyo sa artikulong ito? ibahagi saamin ang inyong opinyon.



Please follow and like us:

Related Post