Isang Ina na Aso Pabalik balik na Sinugod ang Kanilang Nasusunog na Bahay Mailigtas lang ang Kanyang mga Anak

Kumalat sa Internet ang litrato ng isang aso matapos magbuwis ng buhay para sa kanyang mga anak na halos kakapanganak lamang niya sa mga ito. Hindi inalintana ang panganib na dala nang nagngangalit na apoy para sa isang ina na handang mamatay para sa kanyang mga anak.



Ayon sa mismong pangyayari, ilang beses nagpabalik-balik ang naturang aso upang iligtas ang kanyang mga anak. Ang aso ay isang German Shepherd na nagngangalang Amanda. Buong tapang na sinugod ang apoy at binuhat isa-isa ang kanyang mga anak at dinala ang mga ito sa mas ligtas na lugar.

Ang sunog ay nangyari sa Santa Rosa de Temuco, Chile. Nagsimula daw ito nang sumabog ang isang kotse at kumalat ang apoy sa loob ng bahay.

Pagkatapos mailigtas ni Amanda ang kanyang mga anak ay umupo ito sa gilid nila upang mas maprotektahan sila sa sunog.



Matapos ang insidente ay agad naman silang idinala sa veterinarian upang ipagamot ngunit sa kasamaang-palad binawian ng buhay ang isa niyang anak, si Amparo, dahil sa mga paso at sugat na natamo sa sunog. Samantalang, ang apat niyang anak ay patuloy na nagpapagaling.

Ayon kay Felipe Lara, veterinarian, ay nagalit pa daw si Amanda nang kunin nila ito para gamutin. Hanggang sa huli ay pinayagan din ni Amanda na ibigay ang kanyang mga anak sa nasabing doktor. Ngunit hindi niya pinayagan na kunin si Amparo habang ito’y naghihingalo sa piling niya.

Ang kwento ni Amanda ay isang patunay na pagmamahal ng isang ina na handang gawin ang lahat kahit ang kapalit nito’y pagkasawi ng mismong buhay. Ang pagmamahal at katapangan na ipinamalas ni Amanda ay tunay na kahanga-hanga at dapat nating tularan bilang tao.

Nawa’y ang kwento ni Amanda ay magsilbing inspirasyon lalo na sa mga nanay na handang magbuwis ng buhay at handang magsakripisyo para sa kanilang mga anak. Para sa amin, kayo ang tunay na mga bayani.

source: gtgoodtimes



Please follow and like us:

Related Post