Isang Buntis Tinanggihan ang Inalok na Upuan ng isang Madungis na Bata. Napahiya ang Buntis sa mga Sunod na Ginawa ng Bata.

Habang bitbit ang kanyang malaking bag, ang madungis na batang lalaking ito ay sumakay sa isang bus kasama ang kanyang tiyuhin.

Nakahanap ng pwesto ang batang lalaki sa isang bakanteng upuan habang ang tiyuhin niya naman ay tumayo malapit sa kanya. Inakala ng ilang pasahero ng bus na isang trabahador ang batang iyon dahil sa kanyang madungis na damit.



Makalipas ang ilang minuto, may isang buntis na sumakay sa bus. Nagmadali ang batang iyon para ibigay ang kanyang upuan para sa buntis. Sinabi niya na:

“Ma’am, kunin niyo na po itong upuan ko.”

image courtesy of google.com | for illustration purposes only

Hindi niya pinansin o kinausap man lang ang madungis na bata. Sa halip ay tinitigan niya pa ito ng masama. Nang makita niya ang reaksyon ng babae, dahan-dahan niyang ibinaba sa sahig ng bus ang kanyang sira-sirang bag saka niya pinunasan ng malinis na papel ang upuan. Pangiti niyang sinabi sa babae na:



“Ma’am, nalinis ko na po ang upuan. Wala na pong natirang dumi.”

Lahat ng tao sa bus ay napatitig sa kanilang dalawa. Namula ang mukha ng babaeng iyon dahil sa kahihiyan. Napayuko na lamang ang babae at dahan-dahang umupo sa pwestong iyon.

image courtesy of google.com | for illustration purposes only

Nang matapos iyon, kinuha ng batang lalaki ang bag na pinatong niya sa sahig. Ngunit biglaang napapreno ang bus kaya naman nawala sa balanse ang bata at kamuntik itong madapa. Hindi niya pa rin binitawan ang bag kahit na ito ay napakalaki.





Pinuri siya ng matandang babae na nakaupo malapit sa kanyang tabi. Sinabihan siya na:

“Napakabuti mong bata.”

Nahiya ang bata sa sinabi ng matanda at sinagot niya ito na:

"Ma'am hindi po talaga ako mabait na bata. Madalas pinupuna ako ng aking inay dahil sa mas inaalala ko daw madalas ang iba kaysa sa aking sarili. Ngunit ngayon ako ay matapang na katulad ni Forrest Gump."

Ang ina ng batang lalaki ay nagtatrabaho bilang guro sa isang baryo na malayo sa siyudad. Pinapayagan siya ng kanyang ina na manuod ng mga pelikulang nagbibigay ng aral at leksyon tungkol sa buhay tulad ng pelikulang Forrest Gump.

image courtesy of google.com | for illustration purposes only

Natuto siya ng mga makabuluhang bagay mula sa palabas na iyon. Sinaad niya na dapat niyang tigilan ang pag-aalala sa mga iniisip ng iba tungkol sa kanya.

Nang tanungin muli siya ng matandang babae na:

“Nasaan ang iyong ina?”

Bakas sa mga mata ng bata na pinipigilan niya ang sarili niyang luha. Sinabi na lamang niya na: “Nasa loob ng bag ang aking ina.”



Nagulat ang matandang babae at ang iba pang taong nakarinig sa pahayag ng bata. Nagmadali namang dinepensahan ng kanyang tiyuhin ang bata. Sinabi niya na:

“Ako ang tiyuhin ng bata. Pumanaw ang kanyang ama dahil sa malubhang karamdaman ilang taon na ang nakalilipas kaya naman mag-isang itinaguyod ng kanyang ina ang batang ito. Isa siyang guro sa aming baryo at nirerespeto siya ng mga tao sa amin.”

Ipinaliwanag pa ng tiyuhin ng bata ang buhay nilang mag-ina. Sinabi niya na upang mabigyan ng mas mabuting kinabukasan ang batang iyon, napilitang maging trabahador sa konstruksyon sa siyudad ang guro habang bakasyon pa nila.

image courtesy of google.com | for illustration purposes only

Dinala niya rin ang kanyang anak sa siyudad dahil ayaw niya itong maiwan sa baryo ng mag-isa. Nang magsisimula na ang pasukan sa eskuwela, naisipan na ng mag-ina na bumalik na sa kanilang baryo. Ngunit isang malagim na aksidente ang nangyare sa ina ng batang lalaki. Sa huling araw ng kanyang trabaho, nabagsakan ito ng mabigat na bakal na nagdulot ng kanyang agarang pagkasawi.

Kaya ngayon, bitbit ng batang lalaki ang mga abo ng kanyang ina na nakasilid sa isang urno sa loob ng kanyang bag.



Hindi napigilan ng matandang babae ang kanyang mga luha. Tinanong niya ang tiyuhin ng bata na:

“Magpapatuloy pa ba ang batang ito sa kanyang pag-aaral?”

Napailing ang matandang lalaki. Sinagot naman siya ng madungis na batang lalaki na:

“Ipagpapatuloy ko na lamang ang pagbabasa ng mga libro araw-araw malapit sa lugar ng konstruksyon ng mga gusali.”

image courtesy of google.com | for illustration purposes only

Naantig ang halos lahat ng tao sa bus tungkol sa istorya ng buhay ng batang iyon. Karamihan pa sa kanila ay nais magbigay ng libro sa kanilang bahay para sa bata.

“Huwag mong sayangin ang oras mo sa pag-aalala sa mga iniisip ng iba tungkol sa iyo. Maging matapang ka para tahakin ang landas na nalili mo.”

Anong masasabi niyo sa nakakaantig na istorya ng batang ito? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.



Please follow and like us:

Related Post