Isang Binatilyo Hindi Inaasahang Matatagpuan ang Kanyang Ama sa Kulungan kung Saan Sila Nag Fieldtrip | Mga Netizens Naantig sa Larawan ng Mag-ama Habang Magkayakap

Isang binatilyo ang sumama sa fieldtrip sa isang kulungan kasama ng kanyang mga guro at kaklase. Habang sila ay nag-iikot, nalaman ng isang nagtatrabaho sa kulungan na ang ama ng bata ay dito din mismo nakakulong at ipinaalam ito sa binatilyo. Sa halip na mahiya at itanggi, agad niya itong pinuntahan at nagbigay galang.



Ang kanyang guro na si Arom Kunmoung ang kumuha ng video at ibinahagi ito sa Facebook. Dahil dito natuwa ang mga tao na nakakita sa ginawa ng binatilyo at pati ang mga nasa social media ay humanga sa binatiloy at pinuri.

Ayun sa guro, habang kasalukuyan silang namamasyal sa loob ng kulungan sa probinsiya ng Rayong, Thailand, napansin niya na isa sa kanyang mga estudyante ang umiiyak sa isang sulok habang nakatitig sa isang lalaki sa hindi kalayuan.

Nang lapitan ng guro ang binatilyo at tinanong bakit ito umiiyak, sinabi nito na:

"Titser yung lalaki po na iyon ay ang aking ama."

Ikinagulat ito ng guro at gumawa ng paraan na matulungan ang binatilyo na malapitan at makausap ang kanyang ama. Agad pumunta ang guro sa opisina ng tagapangasiwa ng kulungan at nagpaalam sa jail warden na kung maaari ay makausap ng bata ang kanyang ama.

Matapos mapayagan, patakbo nilang sinalubong ang isa't-isa at nagkayakap ng mahigpit habang umiiyak. Walang humpay ang paghalik ng ama sa kanyang anak habang sinasabi ang salitang patawad at mahal na mahal niya ang kanyang anak.

Photo credit: Facebook / Arom Khunmoung

Tinanong ng Ama sa anak kung nahihiya ba ito na nakakulong siya at sinabi ng anak na hindi niya ikinakahiya ang kanyang ama sabay lumuhod at nagpatirapa sa harap ng kanyang ama bilang tanda ng pag-galang nito.



Photo credit: Facebook / Arom Khunmoung

Hindi na isinaad pa ni Khunmoung ang dahilan kung bakit nakakulong ang ama ng binatilyo sa halip ay nagiwan siya ng isang kataga na sana ay maging halimbawa ang mag-ama sa mga taong malalaya na ipadama nila ang kanilang pagmamahal at respeto sa isa't isa habang may pagkakataon pa silang gawin ito sa araw araw.

Talagang nakakaantig ang istorya ng binatilyong ito at kung paano sila ipinagtagpo ng tadhana ng kanyang ama. Ano ang masasabi ninyo sa istorya nila? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: buzzooks



Please follow and like us:

Related Post