Isang Bata ang Ipinapasok sa Plastic Makapasok lang sa Kanilang Paaralan ng Hindi Nababasa

Marami parin sa mga kabataang kapos palad o yung malalayo sa eskwelahan ang pursigido mag-aral kahit pa katakot takot na hirap ang kanilang harapin makapasok lang sa eskwelahan.



Katulad nalang ng nakuhang larawan ng isang batang ito na ipinapasok sa plastik araw-araw upang makatawid lang sa ilog ng hindi nababasa papuntang eskwelahan.

Nag viral ang nasabing larawan matapos umani ng pagkabahala sa mga netizens sa social media dahil maaari nga namang ikapahamak ito ng bata.

Bukod pa dito ay kinakailangan din dumaan ng bata sa isang bundok bago makarating sa ilog. Araw-araw diumano itong ginagawa ng bata at ng mga tao dito para lang makatawid ito ng hindi nababasa at para makaiwas din sa pagkakasakit. Hinahatid naman siya ng kanyang ina araw-araw hanggang sa makatawid ito sa ilog. May nakaabang naman araw-araw na lalaking tutulong sakanila sa pagtawid ng bata sa nasabing ilog.



Ayon sa nagbahagi ng larawan na, inupload nila ito sa social media upang mapansin at magawan ng aksyon ng ating pamahalaan.

Ayon pa sa ibang netizens na nakakita ng larawan na maari ngang makaligtas ang bata sa sakit ngunit lagi namang nasa piligro ang kanyang buhay.

Narito ang ilan sa mga kumento ng mga netizens:

"May this be an eye opener to our youth today whi are averse to go to school despite the good opportunity they have. These kids undergo lots of sacrifices looking forward for a better tomorrow. Remember that good education is the mist wonderful legacy that a parent could bequeath to his or her child."

"Sakrispisyo ng magulang at mga anak na gustong umahon sa hirap, sana balang araw makamtan nila ang ginhawa!"

"Delikado din yan sa mga buhay ng mga bata Baka sila masuffocate mawaln ng hangin sa loob ng plastic"

"Gravey buwis bhay ang pg asang maibgay ng magulang ang education sa anak Hindi ktulad myyaman do cotse dpa sundo p ng buddy guard piro ngbubulakbol s pg aaral"

"Yan dapat ang ina atupag ng mga nasa gobyerno"

"pls tulungan nyo cla kwwa tlga buwis bubay ag ginagwa nila s araw2x"

"Naku delikado masoffucate pa yun bata kawawa nman cila saan lugar kaya yan"

Ano ang masasabi ninyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: kami



Please follow and like us:

Related Post