Isang Babae, Aksidenteng Naibangga ang Ferrari na Nirentahan – Danyos na Kailangan Bayaran Umabot ng $500,000

Kilala ang Ferarri bilang isa sa pinaka kilalang brand ng sasakyan sa buong mundo dahil sa horsepower, sa bilis at sa napakagadang disenyo na talagang pinapangarap ng halos lahat.

Ang Ferrari ay isa rin sa pinaka mahal na sasakyan na hindi kaya mabili ng isang ordinaryong tao lamang at tanging mga mayayaman lang ang may kakayahan upang magkaroon ng isa.



Halos lahat ng tao ay gustong makaranas na makasakay ng Ferarri dahil siguradong lilingon o pagtitinginan ka ng lahat ng taong madadaanan mo.

Ngunit paano kung nakasakay ka nga sa isang Ferrari pero hindi naman sayo at nirentahan mo lang ito pagkatapos ay hindi mo sinasadyang maibanga ito ano ang magiging pakiramdam mo?

Isang babae ang nakaranas ng ganito sa China kung saan ayon sa report na nirentahan niya ang isang Ferrari para sa isang buong araw. Isa ang babae ito sa mga gustong matupad ang kanyang mga pangarap at isa sa kanyang listahan ay ang makasakay ng Ferrari kaya naman gumawa siya ng paraan at ito ay ang pagrenta.

Isa na sana ito sa pinaka masayang araw niya dahil ito ang naiibang karanasan na kanyang maipagmamalaki sa kanyang mga kakilala, kaibigan at kamaganak. Ngunit sa kasamaang hindi nasunod lahat ng nangyari sa kanyang plano dahil imbis na maenjoy niya ang kanyang araw sakay ng Ferrari ay nauwi ito sa isa sa pinaka masalimuot na araw ng kanyang buhay matapos niya aksidenteng mabangga ang inupahan na mamahaling sasakyan.

Ayon sa kanyang pahayag na nawalan ng control ang babae sa sasakyan ng bila itong lumipat ng lane sa kanyang tinatahak na daan at bumangga sa isang BMW X3 na sasakyan na naging dahilan ng mabigat na trapiko.



Talagang wasak na wasak ang harapang bahagi ng Ferrari, marami ang nakasaksi sa ngyari at ilan dito ay nakunan pa ng litrato at video. Ayon sa rental shop ng nasabing Ferrari ay umabot $500,000.00 o higit kumulang Php26,000,000 ang kailangan bayaran ng babae.



Mabuti nalang at walang nasaktan sa nangyaring aksidente at parehas na ligtas ang dalawang driver ng dalawang sasakyan.

Narito at panoorin ninyo ang video:



Please follow and like us:

Related Post