Isang Aso Hinangaan sa Social Media Matapos Tulungan ang mga Bumbero sa Paghila ng Lubid para Patumbahin ang Isang Puno

Man’s bestfriend, yan ang isa sa katangian ng mga aso na tumatak na sa puso ng mga tao, dahil hindi lang sila nakakapagbigay ng saya saatin, dahil nagbibigay din sila saating ng walang hanggang pagmamahal at katapatan.

Madami narin ang nagkalat na magagandang kuwento ng ibat ibang uri ng aso sa social media na talagang kinaaaliwan ng karamihan. Katulad nalang ng kuwento ng isang aso na talagang nagbigay ng kasiyahan at paghanga sa mga bumberong taga supil ng sunog.



Hindi mapigilan sa kakatawa ng mga bumberong ito dahil sa isang asong biglang sumulpot at tumutulong sa kanilang trabaho. Basahin ang kabuuang kwento.

Inamin ng isang grupo ng bumbero na nahihirapan silang gawin ang kanilang trabaho ng mga oras na iyon upang putulin ang isang malaking puno.

Buti na lamang ay mayroong isang aso napadaan sa kanila kasama ng kanyang amo. Ang nakakaaliw sa pangyayaring ito ay nagawang tumulong ng aso pati na rin ng kanyang amo sa mga bumberong nahihirapan sa pagpapatumba ng puno.

Tinalian ng mga bumbero ng lubid ang puno para mapadali ang pagbuwal sa puno.

Makikitang hirap na hirap ang mga bumbero sa paghila sa lubid na nakatali sa puno ngunit hindi ito natitinag sa kanilang lakas. Nang makita ng aso ang sobrang lubid, naisipan ng aso na tumulong sa mga bumbero sa paghila.

Noong umpisa, pinipigilan ng amo ang kanyang aso dahil baka makasagabal ito sa ginagawang trabaho ng mga bumbero ngunit hindi ito tumitigil sa paghila ng lubid.

Kahit hirap na hirap na silang buwalin ang puno sa dalawa, binigay pa rin nila ang makakaya nila sa oras na iyon.





Buti na lamang ay tumulong ang aso sa paghila ng lubid kasama ng mga bumbero.

Sa huli, hindi na napigilan ng mga bumbero ang aso sa paghila. Tumulong na rin ang may-ari kasabay ng kanyang aso sa pagbubuwal ng puno.

Tawang-tawa ang mga bumbero sa ginawang pagtulong ng aso at naaliw sa kabaitan nito. Panuorin ang buong pangyayari sa insidente na ito.

Anong masasabi niyo sa napakamatulungin na asong ito? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.



Please follow and like us:

Related Post