Isang Aroganteng Pasahero Sinuntok ang Konduktor sa Sinasakyan niyang Bus Matapos Tanggihan na Ibaba sa Gusto niyang Babaan

Dahil sa social media mas mabilis na kumalat ang mga balita patungkol sa mga nangyayari sa ibat-ibang lugar lalong lalo na sa mga pampublikong sasakyan na kung saan madalas nagkakainitan ang mga tao dahil hindi sa hindi pagkakaintindihan.

Katulad nalang sa ibinahagi na video ng isang netizen na nag ngangalang Enriquez Anthony na ngyari sa isang pampasaherong BUS.



Ayon kay Anthony na sinuntok ng isang pasahero na nag ngangalang Ronald ang konduktor dahilan para dumugo ang ilong nito. Nagkaroon ng di umano ng pagtatalo ang dalawa dahil gusto umano ng pasahero na si Ronaldo na ibaba sila ng kanyang anak at asawa sa gusto nitong babaan ngunit tumanggi ang konduktor sa kadahilanang bawal daw doon mag baba ng pasahero at maari silang mahuli at mag multa ng 1,000 piso.

Image credits to Enriquez Anthony | Facebook

Dito na umano nagsimulang magalit ang nasabing pasahero at sinungaban di umano ang konduktor ng suntok sa muka dahilan para dumugo ang ilong nito.

Ayon sa ibinahagin post ni Anthony na tila nakainom daw ang nasabing pasahero dahil sa kilos nito at pananalita, sinabihan pa di umano ng lalaki na susuntokin niya ulit ang konduktor kaya ang ginawa ng driver ay itinabi ang bus kung saan may mga enforcer at agad nagpatawag ng pulis.



Pagdating ng mga pulis para imbistigahan ipinipilit parin ng nasabing pasahero na siya ang tama at ang konduktor ang mali kahit na halos lahat ng mga pasahero sa loob ng bus ay kumbinsido na mali talaga ang lalaki dahil kahit na sinabing "costumer is always right" wala umanong karapatan ang nasabing pasahero na suntukin ang konduktor.

Umani naman ng libo libong komento ang nasabing video at halos lahat ng komento ay sumusuporta sa konduktor. Hiling ng maraming netizens na ibahagi umano ang video para mabigyan ng hustisya si kuyang konduktor at ng matoto ng leksyon ang nasabing pasahero.

Narito at panoorin ninyo ang video na ibinahagi ni Anthony:



Please follow and like us:

Related Post