Isang Aroganteng Lalaki, Pilit na Isinasauli at Pinapapalitan sa Sales Lady ang Kanyang Sinturon na Nabili at Gamit na ng Halos 3 Buwan

Umani ng napakaraming bashers ang video ng isang lalaki na nagpupumilit di umanong palitan ang nabiling sinturon sa isang saleslady. Kita sa mga larawan ang itsura ng sinturon na pawang gamit na gamit na ito at saka nagreklamo ang lalaki sa tindahan na kanyang pinagbilhan. Sinadya nga bang insultuhin ng lalaki ang mga saleslady? O sadyang hindi niya alam ang patakaran sa pagsasauli ng mga sirang produkto?



Ayon sa R.A. 7394 or the Consumer Act of the Philippines, may karapatan ang mamimili na ibalik o palitan ang isang produkto kung ito ay sira o hindi pasado sa kalidad ng produkto o serbisyo. Sa katunayan, nagbibigay ng pitong araw na palugit ang mga tindahan para sa return of defective goods kasama ang resibo nito.

Sa kuhang video ni Che-che, isang netizen, makikita ang pagiging arogante ng lalaki habang nagdedemand ito na palitan ang sirang sinturon. Makikita rin sa video ang pambabastos niya sa mga saleslady na siya namang ikinagalit ng iba pang netizens na nakakita sa video. Ang ilan sa mga nilabag ng naturang lalaki ay ang mga sumusunod:

Una, ibinalik niya ang sinturon pagkalipas ng tatlong buwan. Ayon kay Che-che, ang sinturon ay halatang ginamit bagupaman ito ibalik ng nagrereklamong lalaki. Kung totoo man na may deperensya ang produkto ay dapat sana noong una pa lang ay nag demand na itong palitan sapagkat nagbibigay naman ng palugit ang mga tindahan.



Pangalawa, nilabag niya ang karapatan ng mga saleslady bilang manggagawa na marangal na naghahanap-buhay para sa kanilang pamilya.

Pangatlo, ang paglabag sa karapatan bilang babae na bastusin at may pagtatangka pa na sila’y saktan ang ikinagalit ng mga saleslady.



Pamilyar ang lahat sa kasabihan na “Customers are always right” ngunit hindi ibig sabihin nito’y may karapatan na ang mga mamimili na bastusin na lamang ng basta basta ang mga tindera na ginagawa lamang ang kanilang mga tungkulin upang maghanap-buhay.

Kumalat ang video sa social media at marami na rin ang nakakita. Kaya nama’y galit nag alit ang mga netizens sa pambabastos na ginawa ng lalaki sa mga saleslady. Heto ang ilan sa kanilang mga naging reaksyon.

Panoorin ang buong pangyayari:

source: pinoythinking



Please follow and like us:

Related Post