Isang Ama Pinatulog ang Kanyang 3 Buwan na Sanggol sa Loob lamang ng Ilang Segundo Gamit ang kanyang Tissue Paper Trick

Isa sa pinaka mahirap na gawin ay ang pagpapatulog ng sanggol lalo na kung wala ka pang masyadong kaalaman dito at isa ka palang bagohan na magulang.

Marami sa mga bagong magulang ang nakakaranas ng puyat at halos walang tulog dahil gabi gabi dahil sa pagaalaga sa sanggol na madalas tulog sa umaga pero gising naman sa gabi.

Isang video ang nagviral sa social media matapos ibahagi ng isang tatay na ito ang kanyang napakatalinong paraan kung paano patulogin ang kanyang anak sa loob lamang ng ilang segundo gamit lamang ang tissue trick na ito.



Ang tatay na ito ay nagmula sa Sydney at siya ay nakadiskobre ng mabisang paraan kung paano niya papatulugin ang kanyang tatlong buwan gulang na sanggol.

Gamit lamang ang tissue paper ipinakita ng ama ang kanyang paraan na talaga namang ikinatuwa ng mga netizens online.

Ayon sa ama na nagngangalang Nathan Dailo:

“The tissue trick isn’t actually anything special. Any light touching on the baby’s facial areas such as the head, forehead or the bridge of the nose also works,”.



Ang video na ito ay nagpapatunay na marami sa mga magulang ang nakakaranas ng hirap sa pagpapatulog sa kanilang mga anak kaya naman ng iupload ito ni Nathan agad pumalo ng milyon ang views ng nasabing video at sa loob pa lang ng ilang araw halos higit kumulang 12 million views na ang kanyang video na kanya namang ikinatuwa.



Kaya kung isa ka sa mga magulang na nahihirapan magpatulog ng iyong sanggol bakit hindi ninyo subukan ang paraan na ito ni Nathan baka sakaling epektibo sa inyong anak at maisalba kayo sa puyat.

Mas madali ninyong mapapatulog ang inyong anak ng walang kahirap hirap.

Narito at panoorin ninyo ang nasabing video:

Ano ang masasabi ninyo sa paraan ni Nathan? Ibahagi saamin ang inyong opinyon .

source: goodtimes



Please follow and like us:

Related Post