Isang Ama, Nagviral sa Social Media Matapos Makunan ng Video Habang Sinasabayan ang Anak na nasa Entablado sa Pagsayaw

Nakakatuwang isipin na ang mga lalaki sa panahon ngayon ay tumutulong na rin upang maalagaan ang kanilang mga anak maliban pa sa paghahanap-buhay. Madalas tayong makakita ng mga ina na sila ang sumasama sa mga gawain ng kanilang anak sa paaralan gaya ng pagsayaw o pag-arte.



Sila din madalas ang gumagawa ng mga preparasyon para dito. Ngunit iba ang lalaking ito na nakuhaan ng video ni Cristina Santos Antinero.

Magiliw na sinasabayan ng lalaking ito ang kanyang anak na sumasayaw sa entablo kasama ang mga kaklase nito. Madalas itong ginagawa ng mga ina at guro kapag may mga ganitong gawain sa paaralan para gabayan ang mga bata sa bawat hakbang ng pagsasayaw ngunit iba ang tuwa ng mga tao ng makita na isang Ama ang gumagawa ng ganitong bagay.

Ayon pa kay Cristina na kumuha ng video at nag upload nito sa kanyang Facebook, maraming tao ang natuwa sa pagsasayaw ng mga sa entablado ngunit mas lalo silang nasiyahan ng makita ang Ama ng isang bata sa baba ng entablado na walang humpay sa pagsabay sa kanilang sumayaw, kaya naman naisipan niya itong kuhanan ng video.

Ang dalawang batang sumasayaw ay naka kostyum na pang Hawaiin at mayroon pa silang suot na maliliit na bulaklak sa ulo at sa leeg. Sila ay magiliw na sumasayaw habang sinusundan ang lalaki na sumasayaw din sa ibaba ng entablado. Mukhang ang lalaking ito din ang nagturo sa kanila ng bawat galaw ng sayaw dahil kabisado niya ito at sabay na sabay pa sa musika.





Marami ang nakakita ng video na naka-upload sa Facebook at madami sa kanilang ang natuwa at nagkumento. Sabi ng ilan nakakatuwang makita ang isang Ama na handang tumulong sa kanyang anak sa kahit na anong paraan at kahit na anong oras.

Sabi naman ng ilan sana daw ay sumali ang anak ng lalaking ito sa malalaking patimpalak ng sayawan at makita padin nila na sinasabayan niya sa pagsasayaw ang kanyang anak sa ibaba ng entablado. Saludo sa lalaking ito ang karamihan sa mga taong nakakita ng video dahil hindi ito nahihiyang tulungan ang kanyang anak kapag kinakailangan.

Kayo, anong masasabi ninyo tungkol sa lalaking ito?



Please follow and like us:

Related Post