Isang Ama Nagkamaling Maimbitahan ang Libo libong Katao sa Kaarawan ng Kanyang Anak Matapos Iupload ang kanyang Ginawang Video sa Social Media

Isang ama ang nagpost ng isang video kung saan nangingimbita siya na samahan silang ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang babaeng anak na dapat ay para lang sa pamilya at malalapit na kaibigan.

Hindi inaasahan ng ama na ito na aabot sa halos 1.2 milyong katao ang gustong dumalo sa kaarawan ng kanyang anak matapos magkamali na magpost ng isang invitation video na nagdulot ng kalituhan sa mga nakapanood nito.



Kinailangan magtalaga ng pamahalaan ng mexico ng mga pulisya na magbabantay sa nasabing pagdaraos dahil sa dumagsa ang maraming tao.

Nagpost sa Facebook si Cresencio Ibarra ng isang video kasama ang kanyang anak na si Ruby na may suot pang korona kasama ang asawa niya na si Anaelda Garcia. Sa videong ito ay makikitang masaya niyang inaanyayahan ang kanilang mga kamag anak at malalapit na kaibigan na dumalo sa ika labinlimang kaarawan ng kanyang anak na si Rubi na idaraos sa ika -26 ng Disyembre.

Sinabi niya sa video na magkakaroon ng kakera ng mga kabayo at ang mananalo ay magwawagi ng premyong 10,000 mexican peso (USD$490) at mayroon ding mga bandang tutogtog at madaming mga pagkain. Sinabi niya pa na lahat ay imbitado.

Karaniwan na sa Mexico ang paghahanda ng magarbo para sa kanilang mga anak. Kadalasan sila ay nakasuot pa ng korono at magagandang palamuti at kasuutan dahil itinuturing silang 'Queen of the Day'.

Noong nalaman ni Ginoong Ibarra na napakarami pala ng dadalo sa kanilang handaan hindi niya alam ang kanyang mararamdaman o magiging reaksyon.

Ayon kay Ginoong Ibarra na wala siyang intensyon na gumawa ng kaguluhan dahil ginawa lang daw niya ang video na iyon upang imbitahin ang malalapit na kaibigan sa kaarawan ng kanyang anak.



Ang gusto lang daw nila mangyari ng kanyang asawa ay makitang masaya ang kanilang anak sa espesyal na araw nito at wala ng iba.

Ang handaan ay gaganapin sa malawak na lugar ng La Joya lungsod ng San Luis Potosi. Napakadami ang sumagot sa video na sila nga ay dadalo sa kaarawan ni Rubi kahit na hindi sila mga kaibigan o kamag-anak ng pamilya.



Kaya naman sabi ng isang lokal na mambabatas na si Roberto Alejandro Segovia Hernandez ay patuloy ang pagbabantay ng mga pulisya sa paligid ng lugar kung saan gaganapin ang kaarawan ni Rubi pati na din sa mga daanan papunta dito upang masigurado ang kaligtasan ng mga dadalo sakali mang dumagsa ang mga tao.

Libu-libo ang dumalo at nakisaya sa kaarawan ni Rubi. Namangha ang dalaga sa kanyang nakita at nasiyahan na rin na madami ang pumunta sa kanyang kaarawan.



Samantala ibat-ibang memes naman ang nagsilabasan sa social media matapos ang nasabing pagdiriwang.

Naritp at panoorin ang video:

source: goodtimes



Please follow and like us:

Related Post