Isang Ama Huminge ng Tulong kay Raffy Tulfo Upang Mahanap ang Kanyang 5 Years Old na Anak na Babae na Itinatago Diumano ng Ina nito

Nag viral sa social media ang isang ama na nagsusumamong makita niya muli ang kanyang anak. Siya ay si Bryan Bautista, isang negosyante at ama at may anak na batang babae.



Naging viral si Bryan dahil sa video na kanyang pinost sa social media kung saan kitang-kita na ayaw umuwi ng bata sa kanyang ina.

Noong una ipinapakita pa sa kanya ng ina ang bata ngunit noong kamakailan ay ayaw na itong iharap sa kanya ng dating asawa. Hindi siya tumigil sa kakasuyo sa babae para lamang makita ang kanyang anak ngunit hindi ito sumasagot sa kanyang mga text o tawag man lamang.

Kaya naman si Bryan ay nagdesisyon na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong para mabigyan siya ng pagkakataon na makita ang kanyang anak sa muling pagkakataon.



Ayon pa kay Bryan, hindi naman siya nagkulang sa pagbibigay sa bata ng mga pangangailangan nito at regular ang kanyang sustento. Naisip niya na malamang ang naging dahilan ng dating asawa kaya hindi na niya ipinapakita ang anak ay dahil sa 30,000 pesos na hinihingi nito sa kanya para ipambayad sa tuition ng bata. Ito ay sa kadahilanang ililipat niya na daw ang bata sa isang pribadong paaralan.

Nagbigay ng takdang araw si Grace ang ina ng bata kung kelan dapat na ibigay ni Bryan ang nasabing pera sa kanya ngunit kinaumagahan na ito naibigay sa kanya sa hindi nasabing kadahilanan at simula daw niyon ay hindi na niya muling nakita ang bata.



Napansin din daw ni Bryan na may pagkakataon na nakita niyang may mga kalmot at sugat ang bata ng ito ay kanyang binisita.

Ibinahagi din ni Bryan sa social media ang kanyang mga text messages kay Grace kung saan alalang alala siya sa bata at nagmamakaawa siya na ipakita sakanya ang kanyang anak.

Ayon kay Tulfo hihingi sila ng tulong sa SCWD upang magawaan ng paraan na makita ni Bryan ang anak at kung hindi makikipagkasundo si Grace ay mapipilitan silang iakyat ang isyu sa korte.

Ano ang masasabi sa artikulong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: kami



Please follow and like us:

Related Post