Isang pagkikita ang hindi inaasahan na naganap sa Lucile Packard Children’s Hospital sa Stanford. Madamdamin ang isang nurse nang personal na makausap at makita ang isang pasyente na kanyang inalagaan maraming taon na ang lumipas.
Ang pangalan ng nurse ay Vilma Ong, nagtatrabaho sa naturang ospital sa matagal na panahon. Naalala niya pa ang batang payat, “premature” at naghihingalo sa ospital dalawampu’t walong taon na ang lumipas. Hindi niya akalain na makikita niya ito sa loob mismo ng ospital at makakasama ito nang matagal.
Ayon sa napag-alaman, ang naturang bata ay isa nang Pediatric Doctor na pinangalanang Brandon Seminatore. Si Brandon ay isinilang sa naturang ospital maraming taon na ang lumipas.
Isinilang siya noong Abril 20, 1990 na dalawampu’t siyam na linggo pa lamang. Siya ay kulang sa timbang, sadyang maliit at sakitin. Lumabas siya sa sinapupunan na isang “premature baby”, kung kaya’t nanatili ito sa ICN ng dalawang buwan kung saan naman si Vilma ang naatasan na mag-alaga sa kanya.
Sa kasalukuyan, taong 2018, habang naglilibot si Vilma sa ospital narinig niya ang pangalan at apelyido ng baguhang doktor. Agad naman niyang naalala ang bata sa loob ng ICN kung kaya’t nagtanong tanong ito tungkol sa kanya.
Napag alaman ni Vilma na ang doktor ay galing sa San Jose, California na sakto naman na tagaroon ang batang nasa “Intensive Care Nursery” noon. Ayon kay Vilma, pamilyar ang tunog ng pangalan at apelyido nito na siyang pumukaw sa kanyang ala-ala tungkol sa bata. Hindi naman siya nagkamali dahil pinabulaan ito ng doktor.
Nabigla man sa napag-alaman, ipinahiwatig ni Vilma ang tuwa dahil hindi niya isaasahan na sa kabila nang pinagdaanan ng bata at sa tagal ng panahon ang lumipas, makikita niya ito sa mismong ospital kung saan niya ito unang inalagaan.
Si Brandon naman sa kabilang banda ay hindi maipaliwanag ang kasiyahan at pagpapasalamat sa nurse. Isa anyang simbolo ng maayos na pagbibigay nang pag-aruga ang ginawa ng nurse sa kanya.
Hindi lamang na inalagaan siya nito nang siya ay bagong silang pa lamang, ngunit inalala din nito ang buhay ng batang paslit sa loob nang ICN.
Hindi inakala ng nurse na magiging isang doktor ang batang muntikan nang mamatay dahil sa kanyang sitwasyon. Laking pasasalamat naman ng doktor na inalagaan siya ng nurse at malaki umano ang utang na loob niya dito.
Hindi lamang pisikal na kalingan ang nais ng bawat pasyente ayon sa kanya, bagkus ang pagpapakita ng pagmamahal, pag-aruga at kabaitan na nagmumula lamang sa mga taong may dedikasyon sa kani-kanilang mga trabaho. Isa na nurse si Vilma Ong dito.