Guro Nagsabi sa mga Estudyante na Magdala ng Alagang Isda, Hindi niya Mapigilan ang Tawa Kinaumagahan ng Makita ang Dalang Isda ng Isa sa kanyang mga Estudyante

Madami nakakatuwang kuwento ang makikita ngayon sa social media, at ang mga kuwentong ito ng ibat-ibang tao na nangaling sa ibat-ibang panig ng mundo ay talaga nga namang nakakapagbigay ng kasiyahan sa karamihan.

Katulad nalang ng kuwento ng isang bata na naging maingay sa social media dahil sa kanyang dinalang isda sa kanilang paaralan.

Ayon sa kumalat na post sa social media na ang bata ay isang kindergarten student at ang kanilang teacher ay binigyan sila ng proyekto na magdala ng alagang isda sa kanilang susunod na pag kikita.





Makikita sa larawan ang grupo ng mga maliliit na bata na dala dala ang kanilang mga alagang isda, ngunit mapapansin na ang isang batang ito na nasa unahan ay may dalang malaking isda na wala ng buhay sa isang malaking palanggana.

Ang kanyang mga kamagaaral ay may dalang gold fish na palutang lutang sa kanilang dalang plastik na aquarium, habang ang batang lalaki na ito ay nakatitig sa kanyang mga kamag-aaral at nagtataka kung bakit nga ba naiiba ang kanyang dalang isda sa lahat.

Dahil natuwa ang guro sa pangyayari, kinunan niya ng litrato ang mga estudyante at inupload sa social media na agad naman nag viral. Ang kanyang post ay may pabirong caption na:

“Teacher asked me to bring a fish to school. Mom, why does my fish look different than my friends?”

Ang nasabing litrato ay nakuha sa isang kindergarten school sa probinsya ng Zhejiang, China.



Ayon sa guro ng kausapin niya ang ama ng bata sinabi ng ama na nagkaroon daw sila ng hindi pagkakaintindihan ng kanyang anak sa dadalhin na isda, dahil ang sabi sakanya ng kanyang anak ay may proyekto daw sila at kailangan daw mag dala ng kahit anong isda sa kanilang paaralan.

Dahil kakauwi lang ng ama galing sa pangingisda binigay niya ang isang isda na kanyang nahuli sa kanyang anak.

Ang larawan ng mga batang ito ay umani ng libo libong reaksyon sa mga netizens lalong lalo na sa mga nanay.

At dahil sa nagviral ang larawan, ilan sa mga netizen ang napagkatuwaan ang larawan at enedit na may mas nakakatawang resulta.

Siguradong ang dalang isda ng bata ay nagbigay ng katuwaan sa kanilang class activity at magagamit ng teacher ang dalang isda ng bata para turuan ang mga ito tungkol sa diverse range ng mga fish species.

Mukang hindi parin ganoon kasama ang naging ideya ng ama. Ano ang masasabi nyo sa artikulong ito?

source: goodtimes



Please follow and like us:

Related Post