Dalawang Fil-Am na Lalaki Nagkabit ng Pekeng Poster ng Kanilang mga Sarili sa Isang McDonald’s ~ Mga Empleyado Hindi Napansin

Kadalasan ang mga negosyo o establesyemento ay naglalagay ng mga poster sa loob ng kanilang tindahan o kainan para maipakita ang kanilang mga produkto at hindi lamang para maging dekorasyon kundi para narin mai-anunsiyo ang kanilang mga produkto.



Sa Pearland, Texas dalawang Fil-Am na lalaki ang nakapansin sa bakanteng pader sa isang restawran ng McDonalds kaya naisipan nilang tumulong para ito ay malagyan ng dekorasyon at nilagay nga nila ang pekeng poster na may mga mukha nila.

 

Si Jevh Maravilla labing-isang taong gulang na nagaaral sa Unibersidad ng Houston kasama ang kanyang kaibigan na si Christian Toledo na dalawamput limang taong gulang ay kumakain sa McDonalds ng mapansin nila ang bakanteng pader.

Habang sila ay naguusap napansin nilang walang Asiano na model sa poster kaya naisipan nilang mag-prank sa restawran sa pamamagitan ng paglalagay ng pekeng poster nilang dalawa.

Gumawa sila ng photoshoot kung saan hawak-hawak nila ang mga pagkain ng McDonalds. Matapos maayos ang disenyo, pinalimbag nila ito sa Office Depot sa halagang 85 dollars.



Upang hindi sila mapansin ng mga trabahador ng nasabing restawran, nagsuot sila ng damit na pang McDonalds na nabili nila sa halagang 7 dollars. Si Jevh ang nagsilbing “Regional Interior Coordinator” habang ikinakabit nila ang poster sa pader.

At umubra nga ang kanilang prank. Walang sinumang nakapansin nito sa loob ng mahigit limampung araw.

Wala silang balak na ipaalam ang kanilang ginagawa hanggang sa may nakapansin nito at doon na nga ibinahagi ni Jevh ang kanilang ginawa – at madami ang namangha.



Matapos maging viral ang kwento nila sa Twitter madaming tao ang natuwa sa kanilang dalawa.

Sa di kalaunan, nagbigay ng pahayag ang McDonalds:

“ We take it highlighting diversity in every aspect of our restaurants. We applaud these student’s creativity and hope to see them in our restaurants again soon.”

Anong palagay mo sa kanilang ginawa?

source: buzzooks



Please follow and like us:

Related Post