Buong Akala ng Lalaking ito na may Sakit lang ang Kanyang Asawa Kaya Madalas ang Pagpunta sa Doktor, Ngunit Isang Masaklap na Katotohanan ang Kanyang Natuklasan

Si fred ay isang OFW na natratrabaho sa abroad. Pinili niyang malayo sa kanyang pamilya upang mabigyan nito ng magandang buhay ang kanyang pamilya at mapagtapos ang mga anak sa kolehiyo.



for illustration purposes only

Madalas ang pagpapadala ni Fred sa Pilipinas para sa pang gastos ng kanyang pamilya kaya todo tipid ito sa kanyang pamumuhay sa ibang bansa upang mas malaki ang maipon na pera para maipadala sa kanyang pamilya.

Si Fred ay may tatlong anak at ang isa ay nagkokolehiyo na samantalang ang dalawa naman ay parehas nag aaral palang sa elementarya.





Si Anna, ang asawa ni fred ay isang housewife at tanging padala lang ng kanyang asawa ang inaasahan nito.

Todo kayod si fred sa ibang bansa para sa kanyang pamilya at halos tatlo na ang kanyang pinasok na trabaho dahil sa hinahangad na mas malaki ang maipon nito, ngunit nagtataka si Fred sa madalas na paghinge ng kanyang asawa sa kanya ng pera.

Isang araw tumawag si Anna kay fred at humihinge ng Pera,

for illustration purposes only

Anna: Pa, kailangan ko ng pera dahil pakiramdam ko ay may sakit ako at kailangan ko mag pagamot.

Fred: Sige ma, papadala ako para makapagpatingin kana agad.

Makalipas ang ilang araw huminge ulit si anna ng pera sa kanyang asawa dahil bibili daw ito ng gamot na nireseta sakanya ng doktor, kaya nagpadala ulit si Fred ng pera kahit na kinakapos na ito para sa kanyang pang araw-araw dahil malayo pa ang sahod.



Ang hindi alam ni fred na ang kanyang asawa ay nalulung sa casino at nagkanda baon baon sa utang, madalas din naiiwan ang kanilang mga anak sa bahay ng walang kasama at tinatakot ng ina ang panganay na anak na huwag magsusumbong sa ama dahil hindi niya ito bibigyan ng pera kung ito ay mag susumbong.

for illustration purposes only

Hindi na matiis ng panganay nilang anak ang ginagawa ng nanay kaya nagsumbong na ito sa ama at sinabi lahat ng pinag gagawa ng nanay.

Tumawag si Fred sa asawa at tinanong kung totoo ba ang mga sinabi ng anak at ito ay agad namang tinanggi ng babae at binaliktad ang sitwasyon, sinasabing nagbobolakbol ang anak at madalas niya itong pinapagalitan kaya ito nagrerebelde at kung ano ano ang sinasabi.

Hindi lang pagsusugal ang ginagawa ni Anna kundi sumasama din ito sa ibang lalaki na kanyang nakikilala at nakakainoman sa casino.



Isang araw umuwi si Anna ng madaling araw galing sa casino ngunit nagtaka ng makita niya ang kanyang mga gamit sa labas ng kanilang bahay. Hindi niya alam umuwi pala si Fred at nakita nito ang sitwasyon ng kanyang mga anak.

Pinuntahan din pala ni fred ang casino kung saan naglalaro ang kanyang misis at doon napatunayan ang mga kalokohang ginagawa nito.

Galit na galit ito, at lahat ng gamit ng kanyang asawa ay itinapon sa labas.

Gustong kausapin ni anna si fred ngunit sarado na ang utak nito at wala ng pakialam dito. Hindi narin makawithraw si anna ng pera sa kanilang joint account sa banko dahil pinasara na ito ni fred at inilipat lahat sakanyang account.

Naging masalimuot ang buhay ni anna, huminge ng tulong at nanirahan kung kani kanino.

Samantalang si fred naman ay hindi na bumalik sa pagtratrabaho sa ibang bansa bagkos may kaunting naipon ito at ginawa niya itong puhunan sa negosyo.



Please follow and like us:

Related Post