Binatilyong Trabahador sa Konstruksyon, Ipinakilala ng Kanyang Nobya sa Ama Ngunit Hinusgahan ito at Ipinahiya, Makalipas 5 Taon Nagsisi ang Ama sa mga Nasabi

Si Ben ay isang mabuting bata at ang tanging pangarap lang ay maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. May edad na ang nanay ni ben at ang ama naman nito ay may iba ng pamilya at wala siyang balita kung saan na ito nakatira.

Tatlo nalang silang namumuhay at tanging siya nalang ang inaasahan ng kanyang inang maysakit at ng kanyang kapatid na nagaaral palang sa elementarya.



Hindi makapag aral si ben dahil wala siyang kakayahan na bayaran ang tuition sa paaralan o kahit pa kumuha siya ng scholarship hindi niya parin ito mabibigyan ng sapat na oras dahil siya lang ang inaasahan ng kanyang nanay at kapatid.

Kaya naman nagsumikap ito. Ibat-ibang trabaho ang pinasokan ni ben, ngunit mas tumagal siya bilang isang trabahador sa konstruksyon.

for illustration purpose only

Hindi makakaila na isa paring binata si ben dahil masasabing may itsura ito at malapit sa mga kababaehan. Madami din ang niligawan at naging girlfriend si ben ngunit ang lahat ng ito ay humantong sa iisang resulta at ito ay ang pag tanggi ng mga magulang ng kanyang mga naging syota dahil sa kadahilanang isa lang daw itong konstruksyon worker at walang pinag aralan.





Isang araw habang nakaupo si ben sa isang karenderya at nagpapahinga dahil kakatapos lang kumain, napansin niya ang isang dalagang naglalakad na bigla nalang natalisud at nahulog ang dalang mga gamit.

Agad itong nilapitan ni ben at tinulongan, dito na niya nakilala si Lisa ang babaeng nagpatibok ng todo sa kanyang puso. Dito na nagkakilala si Lisa at si Ben.

for illustration purpose only

Araw araw inaabangan ni ben si lisa sa madalas nitong dinaraanan at binibigyan ng bulak lak na pinitas lamang nito kung saan saan. Natutuwa si lisa kay ben dahil napaka bait nito sakanya at madalas siya nitong napapatawa. Hanggang nag kagusto narin si lisa kay ben ng hindi sinasadya at naging magkarelasyon na ang dalawa.

Isang araw niyaya ni lisa si ben sa kanilang bahay upang ipakilala sa ama, nagulat nalang si ben ng makita na sobrang laki pala ng bahay nila lisa at may tatlo pa itong sasakyan.



Pinakilala ni lisa si ben sa ama ngunit sa itsura palang ng ama halatang aborido na ito at tutol sa pagiibigan ng dalawa. Hindi pa nagsasalita si lisa ay agad binara na ito ng kanyang ama at sinabing.

"Ang ayoko sa lahat lisa ay yung magpapapasok ka sa bahay ng kung sino sino, at kababaeng tao mo pa naman kung kani kanino kang lalaki sumasama"

"Ikaw naman lalake, kung may binabalak ka na ligawan ang anak ko, huwag mo ng ituloy dahil hindi kayo nababagay at narinig ko pa na hindi ka nag aaral at nagtratrabaho ka lang sa isang konstruksyon, ano ang ipapakain mo sakanya? Pako? Simento?"

Talagang nadurog ang puso ni ben at hindi nakayanan at agad itong umalis, noon pa man ay hindi na nagkita ang dalawang magkasintahan.

Nangako si ben na balang araw ay magiging matagumpay siya at ipapakita niya na kaya niyang magtagumpay sa malinis na paraan.

for illustration purpose only

Naging working student si ben at pinilit makapagtapos ng pagaaral. Makalipas ang ilang taon na pagtitiis naging matagumpay si ben at hindi lang siya basta basta naging isang matagumpay na propesyonal kundi nag mamayari narin siya ng isang malaking kompanya.

Sa hindi inaasahang pagkakataon nagtagpo ulit ng landas si anna at si ben sa isang hospital habang kasama ni anna ang ama na nakawheelchair na. May anak na si anna at naghihirap dahil naluge daw ang kompanya nila na ipinamana sakanila ng kanyang ama. Iniwan pa diumano siya ng kanyang asawa at sumama sa ibang babae.



Ayon kay anna na madalas daw nagsusugal ang kanyang asawa dahilan sa pagbagsak ng kanilang negosyo. Ang kanyang napangasawa daw ay ang lalakeng ipinagkasundo sakanya ng kanyang ama.

Napatitig ang ama ni anna kay ben at agad niya itong naalala habang nakaupo sa wheelchair at naghihirap narin, napansin niya si ben sa isang magandang kasuotan suot din ang mga mamahaling alahas kasama ang mga alalay nito.

for illustration purpose only

Talagang nanlumo ang ama ni anna at huminge ng tawad kay ben dahil sa panghuhusga na ginawa nito dati sakanya. Sagot naman ni ben na:

"Kalimutan na po natin iyon dahil kung hindi dahil sainyo wala si anna dito sa mundo at kung wala siya dito sa mundo hindi ko siya makikilala at hindi ako sasaya ng husto".

"Hayaan ninyo at tutulongan ko po kayo sa abot ng aking makakaya, may isa lang po akong hiling at iyon ay payagan po ulit ninyo ako na ligawan ko ang iyong anak"

Natulala ang mag-ama sa sinabi ni ben dahil hindi nila inaasahan na may gusto pa pala ito kay anna.

Ang hindi nila alam na sinusubaybayan pa pala ni ben si anna ng palihim kahit na ito ay may asawa at anak na at hindi pa din kaya lubayan, kaya nung nagkaroon ng pagkakataon agad itong sinungaban ni ben at pinuntahan si anna.

Ano ang masasabi ninyo sa kuwentong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.



Please follow and like us:

Related Post