Biglang Tumigil ang Pintig ng Babaeng ito at Hindi Makapaniwala sa Nalaman ng Ipakita ng Kanyang Doktor ang Resulta ng Kanyang Ultrasound

Isang mag-asawa sa bansang Ukraine ang umaasang magkakaroon sila ng kambal na anak pagkatapos magsilang ng sanggol ang asawang babae tatlong taon na ang nakakalipas.

Ngunit hindi nila inaasahan ang sunod na mangyayari na talaga namang nagpabago ng kanilang buhay at ng kasaysayan ng kanilang lugar.





Tatlong taong gulang na ang panganay na anak nina Oksana Kobeletska at Sergery nang magbuntis ulit si Oksana. Inaasahan nila na kambal ang pinagbubuntis ni Oksana ngunit nagtaka naman sila nang muli silang magpacheckup at magpaultrasound dahil sa hindi maipaliwanag na reaksyon ng kanilang doktor.

Ayon kay Oksana parang biglang tumigil sa pagtibok ang puso niya ng makita na parang may gumugulo sa isip ng kanyang doktor dahil sa hindi maipaliwanag na reaksyon ng mukha nito ng makita ang resulta ng kanyang ultrasound. Tapos biglang nagsalita ng mahina ang kanyang doktor at sinabing,

"You deserve to get a big house by the sea."



Nagulat at nagtaka siya sa sinabi ng doktor pero sinigurado naman ng doktor na walang problema sa sanggol na kanyang pinagbubuntis ngunit may isa pa itong sinabi na talaga namang nagpatigil ng pagtibok ng puso ni Oksana. Ayon sa kanilang doktor hindi lang isa kundi lima ang fetus na kanyang nakikita sa sinapupunan ni Oksana.

Talaga namang hindi makapanilawa si Oksana sa sinabi ng kanyang doktor dahil ang inaasahan nilang magasawa ay kambal lang ito. Hindi din nila inisip na magkakaroon sila ng quintuplets o ng mas madami pa sa dalawa o kambal.



Dagdag pa niya na:

" Nobody in our family have ever had it, There was not a single case of that kind", "I can't even imagine right now how it is going to be, to raise so many children at once".

Hindi nagtagal at isinilang din ni Oksana ang kanyang limang supling na kung saan ay tatlo ang lalaki at dalawa ang babae at ito ay sa pamamagitan ng cesarian at sa tulong narin ng walong doktor na umalalay sa kanya mula umpisa hanggang sa mailabas niya lahat ng kaniyang mga sanggol.

Kahit premature ang isinilang niyang mga sanggol ay malulusog naman lahat ito at walang naging problema kahit isa sa kanila.

Ayon kay Oksana:

They treated me like I was made of porcelain. They were extremely cautious".

Ang mga sanggol ni Oksana ang kaunaunahang quintulpets na naitala sa bansang Ukraine kaya talaga naman nabago nito ang kasaysayan ng kanilang bansa. Ngunit kahit na sabik ang mga tao at pamilya nila na makita ang mga sanggol may kunting pag-aalala namang nararamdaman sila Oksana at Sergery dahil hindi nila inaasahan na magkakaroon sila ng malaking pamilya.



Ayon kay Oksana:

"It almost felt like a nightmare, as if I would wake up at any time". Dagdag naman ng kanyang asawa na si Sergery, "It takes time to digest news like this. I mean, how would we manage to take care of so many children?".

Pero kahit ganoon pa man ang pagsubok na dapat nilang harapin ay alam naman nilang dalawa na malalampasan nila ang lahat ng ito ng magkasama.

Sa ngayon ay 17 buwang gulang na ang mga sanggol nila Oksana at Sergery na pinangalanan nilang Daria, Alexandra , Denis, Vladislav at David. Ibinahagi naman ni Oksana ang larawan ng kanyang mga anak sa social media na may quote na "Five Pearls" and their adoring older sister.

Nakatanggap din ang magasawa ng 100 square-meter na apartment galing sa opisyal ng Odessa City dahil pagsilang nito sa limang sanggol.

source: goodtimes



Please follow and like us:

Related Post