Hindi mapagkakaila na marami na ang naglipana na magagandang kababaihan sa mundo at mangilan-ngilan ay napapansin at ang iba’y hindi gaanong nabibigyan ng spotlight. Subalit sa tulong ng social media ay nabibigyang pagkakataon ang mga magagandang kababaihan na ito upang sumikat dahil sa angkin nilang kagandahan na animo’y pang-dyosa.
Maraming mga Pinay ang talagang umaangat ang ganda, simplisidad at karisma. Gaya na lamang ng sumisikat ngayong babaeng piloto na lubhang makalaglag panga ang kagandahan. Sa kanyang maamong mukha at hubog ng katawan ay talagang kapansin-pansin ito sa mga tao higit na sa kalalakihan.
Sa mga nakalap na impormasyon, ang babaeng piloto ay nagngangalang Shanika Silverio at nakapagtapos ng bachelor’s degree in Aircraft Operations and Aviation sa Airlink Flying School.
Siya ay tunay na hinahangaan dahil sa kanyang taglay na kagandahan, subalit gayon pa man ay siya rin ay hahangaan sa aspektong intelekwal sapagkat siya ay nagtapos na Cum Laude sa nasabing paaralan.
Mahihinuha na sa kanyang mga viral photos na siya ay tunay na “stunning” umano at walang duda kung bakit siya ay naging sikat sa online sa ngayon. Sa kanyang nakakaakit na kagandahan at pigura, marami umanong kalalakihan ang maaaring magsabing liparin sila patungo sa buwan.
Karamihan sa kaniyang mga litrato na viral sa online ay mga kuha ng siya ay lumilipad sa himpapawid. Nagpost rin siya ng kanyang graduation photo suot ang kanyang pre-loved school uniform.
Dagdag pa dito, ang dyosang lady pilot na ito ay umano’y certified beach babe din sapagkat makikita rin sa kanyang social media account ang mga litrato niya ng naka swim wear na talagang nagpapasabik sa mga kalalakihan sa social media na makakatunghay ng mga ito.
Ikinatutuwa ni Shanika ang kanyang pagiging instant star sa social media at ang kanyang mga litrato ay nagkalat na kung saan-saang social media platforms at ang mga litrato niyang ito ay umani ng bumabahang positibong reaksyon mula sa mga netizens.
Marami ang natutuwa na siya ay dedikado sa kanyang propesyon at nagsisilbing inspirasyon sa iba pang kababaihan na ipagpatuloy ang pangarap kung mayroon man silang hangarin na maging piloto rin gaya niya.
Hindi ganoon katalakamak ang mga babae sa mundo ng pagpipiloto. Alam natin na karamihan sa mga piloto ay kalalakihan at ito ang nakasanayan ng kultura’t tradisyon.
Subalit sa umiinog na pagbabago ng mundo at perspektibo ng mga tao ay ganoon na lamang nakakamangha na ang mga kababaihan ay hindi na pahuhuli sa mga gawi ng kalalakihan at mayroong ibang natutumbasan at nahihigitan talaga ito pagdating sa larangan.
Nakakatuwang isipin na mayroong babae ngayon ang pumasok sa mundo ng pagpipiloto, hinahangan sapagkat babae siyang piloto, ngunit lubos na hinahangaan sa kanyang karakter, katalinuhan at katangi-tanging kagandahan.