Babaeng Paralisado Mula Siya ay 8 Taon Gulang, Hindi Hinayaan Maging Hadlang ang Kapansanan para Maabot ang Pangarap na Maging Isang Sikat na Pintor

Isang nakakabagbag damdaming kwento ng isang babae na taga-Tsina kung paano niya nakayanang mapagtagumpayan ang kanyang karamdaman at naging isang sikat na pintor.

Si Zhang Junli ay apatnapung taong gulang at isang pintor sa Taiyun, probinsiya ng Shanxi. Halos tatlumput dalawang taon na siyang paralisado ayun sa report ng Daily Mail.



Nagsimula ang sakit ni Zhang noong siya ay anim na taong gulang pa lamang ng may nararamdaman siyang kakaiba sa kanyang hinlalaki at pulso na laging namamaga at masakit.

Dinala siya ng kanyang mga magulang sa hospital para maipasuri at natagpuang siya ay may rheumatoid arthritis, isang sakit na nagdudulot ng pananakit ng mga kasukasuan at pagkasira ng buong katawan. Binalaan ng mga doctor ang mga magulang ni Zhang na ang anak nila ay maari ngang maging paralisado kapag hindi nagamot ng maayos.

Sa edad na walo, ang siyamnapung porsyento ng kanyang katawan ay hindi na gumana ng normal hanggang sa hindi na siya makabangon sa higaan.

“Kaya kong igalaw ang aking balakang , balikat at leeg ng bahagya pero maliban doon hindi na ako makagalaw.”



Ang ina ni Zhang ay laging umiiyak sa tuwing may kapitbahay na nagtatanong ng kondisyon ng kanyang anak.

“Nalulungkot ako kapag nakikita ko ang aking ina na umiiyak. Sabi ko nga sa kanya paralisado lang ako pero hindi pa patay.” sabi pa ni Zhang.

Ayun sa NextShark, si Zhang ay nagsimulang gumuhit bilang libangan sa murang eda. Nagsimula siyang matutong magpinta gamit ang langis noong 2015 ng siya ay turuan ng isang propesyonal na guro na lubos na natuwa sa kanya.

“Ang pagpipinta ay binago ako. Noong unang pagkakataon na humawak ako ng pinsel, naramdaman ko na para kami sa isa’t isa. Pakiramdam ko na nabubuhay ako ngayon para gumuhit.”

“Ang mundo ay napakaganda. Kahit na ako ay may sakit ayokong tumigil sa pagkakaroon ng pagkakataon na mabuhay.” salaysay ni Zhang.

Ito ang naging simula ng mahirap na pamumuhay ni Zhang. Ang kanyang mga wrists ay naninigas at kinakailangan niyang hawakan ang brush sa pagitan ng kanyang hinlalaki at hintuturo. Mahirap man ang kanyang sitwasyon, hindi niya hinayaang makapigil ito sa kanyang hangarin na gumuhit at abutin ang kanyang pangarap.



Sa ngayon nakagawa na si Zhang ng mahigit sa tatlong daang mga larawan. Meron na din siyang online shop na ang pangalan ay “Lily’s Easel”.

Isang daan at limampu na ang naibebenta sa mga likha ni Zhang at ang kalahati sa mga ito naubos ngayong nakaraang lingo.

“Naibenta ko lahat ng mga gawa ko kaninang umaga at hindi ako makapaniwala sa nangyari. Natutuwa ako sa lahat ng sumuporta para makamit ko ang aking pangarap.”masayang pahayag ni Zhang.

Nakakakuha siya ng inspirasyon sa mga libro, musika o mga litrato na ginamit niya sa kanyang pagpipinta.

“Sa ganitong paraan, hindi man ako makalabas ng bahay para makita ang mga magagandang tanawin, para na rin akong nakalabas dahil sa mga tanawing aking ipinipinta.”

Maliban sa pagpipinta si Zhang ay nagkaroon ng pagkakataong sumulat ng aklat at isang talambuhay.



Ayun sa kanya gusto niyang maging mabuting halimbawa sa kanyang kapwa na huwag sumuko kapag dumadaan ang hirap ng buhay.

“Sa halip na umiyak at mag-alala, hanapin mo ang dahilan bakit ka nabubuhay at mamuhay ka ng may kabuluhan.”aniya

Tunay ngang isang napakagandang inspirasyon si Zhang sa ating lahat na huwag susuko sa pag-abot ng ating mga pangarap.

source: worldofbuzz



Please follow and like us:

Related Post