Babaeng may Kapansanan, Instant Internet Sensation Matapos Ipost Mag Viral ang kanyang Video habang Nagmamakeup at Naghuhugas ng Pinggan Gamit ang mga Paa

Lahat tayo ay nag-aasam ng kagandahang panlabas na magbibigay sa atin ng higit na kompyansa sa sarili at determinasyon upang makisalamuha sa iba’t ibang klase ng tao sa pang araw-araw nating buhay. Hindi maitatanggi na nagiging batayan na sa ngayon ang pagiging maayos at balidoso sa pagtrato natin sa mga tao.



Kung presentable man ang isang tao ay mas makakaengganyo ito ng atraksyon at mas malaking respeto at pagtanaw. Nakakalungkot na sa mata ng mga mapanghusga ay hindi ganoon kaganda ang konklusyon nila sa taong hindi palaayos, gaanong maganda, simple at walang koloreta sa hitsura.

 

Kakulangan sa pisikal na aspeto ang salik na nagpapahirap sa isang babaeng naging pamoso ngayon dahil sa mga bidyo nito na kung saan siya ay naglalagay ito ng make-up sa mukha at naghuhugas ng pinggan gamit lamang ang mga paa nito.

Dalawampu’t pitong taong gulang lamang ang kagila-gilas na babaeng ito na walang mga braso at kamay. Sa kabila ng kapansanan nito ay nakakagawa pa rin siya ng mga bagay na tipikal gawin ng isang normal na taong may kumpletong mga parte ng katawan. Kaya niyang maghugas ng pinggan, kumain, mamili sa mall at kahit na ang pagmemake-up.

Ayon kay Yang Li, ang babaeng pinag-uusapan ngayon, na natutunan niya di umano ang pagmemake-up noong siya ay nasa kolehiyo lamang. Nakikita niya umano na ang mga kaklase niya ay kinukortehan ang kanillang mga kilay at naglalagay ng lipstick sa mga labi nito at inakala niya noon na napakaganda ng kanyang mga kaklase at gusting gusto niya ito.



Si Yang Li ay hindi ipinanganak na may ganoong kondisyon, bagkus ay nakuha niya ang kapansanan sa isang aksidente noong apat na taong gulang pa lamang siya. Nakuryente siya sa isang napakalakas na boltahe na nagdulot ng pagkawala ng kanyang dalawang mga braso.

Hindi matatawaran ang nabuong lakas niya ng loob sa pagharap sa pang araw-araw sa kabila ng iniindang kakulangan sa pisikal na aspeto. Nitong Hulyo, sa kasalukuyang taon, matapos niyang maglathala ng isang bidyo sa social media ay agaran siyang sumikat sa Internet at siya’y nakakalap ng dalawang milyon na tagasunod.

“Unlike other hosts, I don’t sing, tell jokes or pretend to be cute in my videos. I just show them how I live my life,”

pahayag ni Yang Li na nagsasaad na hindi siya gumagawa ng bidyo upang magpakita ng anumang talento sa pagkanta o pagpapatawa, at maging pagpapapansin lamang bagkus ay pinapakita lang niya ang pang araw-araw nitong ginagawa.

Dahil sa positibong pananaw sa buhay, binansagan siyang “The Wingless Angel at Inspirational Sister” ng kanyang mga tagasunod sa social media. Lubos na mahihinuha na mahal na mahal si Yang Li nga kanyang mga tagasunod at tumatak sa kanila ang antig ng damdamin sa ipinapakitang katatagan nito.



Hindi naghangad si Yang Li ng mga regalo o pera sa kanyang mga tagasunod kahit na marami ang nagsasabi na ginagamit lang niya umano ang kanyang kalagayan upang makakuha ng atensyon at simpatya.

Dagdag ni Yang Li,

“Most people encourage me. I can feel their respect and kindness. As a disabled person, I’ve earned the recognition from society that I have longed for since childhood.”

Nakakatuwang isipin na siya ay napakapositibo at hindi agarang sumusuko. Nais niyang ikalat sa publiko ang positibong mensahe niya gamit ang social media.

Saad ni Yang Li na kaya siya bihasa sa paggamit ng kanyang mga paa sa kanyang mga gawain sapagkat siya ay matiyagang tinuruan ng kanyang ina noong murang edad niya. Sa kanyang kamusmusan ay marunong na siyang gumamit ng chopsticks, marunong na rin siyang magsepilyo at magsulat.

Naalala niya ang mga panahon na kung saan ginugugol niya ang dalawang oras sa pagkain at paggawa ng tuntunin sa kabila ng 5˚ C sa gayong taglamig.

“At that time my mother taught me to be independent so that one day I would be able to look after myself when I am alone,”

saad niya na nagsasabing tinuruan siya ng kanyang ina na mamuhay ng mag-isa at hindi nakadepende sa iba para pagdating ng araw ay kaya na niyang gampanan ang lahat para sa sarili.





Simula ng siya ay madisgrasya ay kinailangang huminto ng kanyang ina na magtrabaho at tutukan nalang siya ng mabuti sa pang araw-araw. Sa salik na ito ay kinailangan naman ng kanyang ama na dumoble kayod para sa pamilya upang mabuhay.

Wika ni Yang Li ay ngayon umanong tumatanda na ang kanyang mga magulang ay ayaw na niyang maging pahirap pa sa mga ito. Kailangan na umano niyang mabuhay ng mag-isa at patunayan ang sarili at maging ang mapanghusgang palagid.

Makikita sa isang bidyo niya na kumukuha siya ng isang entrance exam sa Anhui Agricultural University at matagumpay niya itong nalagpasan at siya’y nag –aral doon at nakatapos taong 2007. Sa kasalukuyan ay ang babaeng inspirasyon nating ito ay nagtatrabaho na sa isang kompanya sa Bengbu, East China’s Anhui Province.

source: goodtimes



Please follow and like us:

Related Post