Babae, Sinugod sa Hospital Dahil sa Blood Clot na Namuo sa Kanyang Utak Matapos ang 20 Oras na Walang Tigil na Pagamit ng Smartphone

Hindi natin maipagkakaila na parte na ng ating buhay ang smartphones at halos dito narin nakatuon madalas ang atensyon ng mga tao sa ibat-ibang panig ng mundo.

Ang modernong kagamitan na ito ay naging malaki ang tulong sa buhay ng tao katulad nalamang ng pagkonekta nito sa ating mga malapit na kaibigan, kamag anak at pamilya kahit saang lupalop pa nang daigdig.

Nabibigyan dito tayo nito ng kasiyahan at aliw dahil sa ibat-ibang mga tampok nito katulad ng panonood ng mga videos, pelikula at marami pang iba. Ikinokonekta din tayo nito sa mga website kung saan madali natin makita ang mga pinakabagong balita na nangyayari sa buong mundo.

Madami ang napakagandang puwedeng maibigay saatin ng mga modernong kagamitan na ito kagaya ng smartphone, ngunit may mga negatibo din itong epekto kapag nasobrahan ng gamit.

Katulad nalang nang nangyari sa isang Chinese na babae na nakatira sa Hong Kong na nakaranas ng negatibong epekto ng sobrang pag gamit ng kanyang smartphone.





Ayon sa ulat na ang 47 taon gulang na migrant worker na ito ay nagkaroon ng blood clots sa kanyang utak matapos ang walang tigil na pagamit ng kanyang celphone na halos inabot ng 20 oras.

Ayon sa lokal ulat na ang babae ay nakasakay sa tren galing sa kanyang hometown sa Henan province papuntang Guangzhous na matatagpuan sa bandang timog ng China.

Kakatapos lang ng Lunar New Year noong mga oras na iyon at pabalik na sana ang babae sakany ng isang tren papunta sa Guangzhou. Pagsakay na pagsakay ng tren agad dinukot ng babae ang kanyang smartphone upang maglibang at palipasin ang oras habang nasa biyahe.

Punong puno ang tren na sinakyan ng babae nang mga oras na iyon at aminado siyang hirap siya gumalaw dahil sa siksikan sa loob ng tren dahilan upang iisang posisyon lang ang kayang niyang gawin sa buong biyahe.

Ayon sakanya na hawak hawak niya ang kanyang smartphone sa kanyang kanang kamay habang nakatingin dito nang patagilid ng matagal na oras. Pero nang pababa na siya sa tren bigla nalang daw siyang nakaramdam ng pagkahilo dahilan upang siya ay matumba at mawalan ng malay.

Agad naman siyang itinakbo sa ospital at agad sinuri ng mga doktor. Dumaan ang babae sa CT scan upang makita ang dahilan ng kanyang kondisyon. Dito na nakita ng mga doktor na ang babae ay dumaranas ng life-threatening blood clots sa kanyang utak na puwede nitong ikasawi.

Agad isinugod sa operating room ang babae upang operahan. Inabot ng halos tatlong oras ang operasyon upang tangalin ang namuong dugo sa utak ng babae upang mapigilan ang higit pang pinsala sa arteries ng utak ng babae.



Ayon sa isang ekspertong neurologist sa Ospital ng Jinan University sa Guangzhou na:

“We took out many blood clots, almost two centimeters in total, which is twice what patients usually have.”

Ayon pa sakanya na:

“We think she kept the same posture for too long, which compressed the blood vessels on the right side of her neck.”

Nakaligtas naman ang babae matapos ang operasyon. Pinayohan siya ng doktor at ang sambayanan na iwasan na manatili sa iisang posisyon habang gamit ang kanilang mga smartphone at bawasan din ang pagamit nito upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.

Ano ang masasabi niyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: goodtimes



Please follow and like us: