Babae, Nakapagtapos sa Prestihiyosong Unibersidad, Hindi Makuha ang Pangarap na Trabaho Matapos Balewalain ang Isang Napakaimportanteng Bagay

12 taon na ang nakalipas nang makapagtapos ang babaeng ito sa high school at pumuntang France para doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Noong unang dating niya pa lamang sa bansa, napansin niya na lahat ng nabibiling ticket para sa pampublikong transportasyon ay nabibili lang sa isang self service machine at walang makinang ginagamit para ito ay e validate. Bihira din magkaroon ng inspeksyon ng mga ticket.



Maaaring paminsan minsan ay may nag iinspekyon pero bihara lamang ito gawin. Nang kalkulahin niya ang probabilidad na mahuhuli siya ng walang ticket sa sasakyan, natuklasan niya na sobrang baba ang tsansa na mahuhuli siya.

Dahil sa baba ng tsansa na mahuli, naisip niya na maaari siyang makapagipon ng maraming pera sa hindi pagbayad ng pamasahe.

Nasabi niya na lamang sa sarili niya na: “Estudyante pa lamang ako kaya naman kung makakaipon ako ng pera sa hindi pagbili ng mga ticket, bakit hindi?”

for illustration purpose only

Apat na taon ang nakalipas, nakapagtapos sa kolehiyo ang babae. Nakakuha siya ng matataas na marka at awards sa kanyang pinasokan na prestihiyosong unibersidad sa France.

Mataas ang tingin ng babae sa kanyang sarili dahil sa magandang resulta ng kanyang pagaaral at matataas na marka.



Naisip niya na siguradong maraming malalaking kompanya ang magaalok sakanya ng trabaho dahil sa maganda niyang records at resume, kaya naman nag simula siyang magpadala ng kanyang aplikasyon at resume sa ibat-ibang malalaking kompanya para makuha ang pinapangarap na trabaho.

for illustration purpose only

Ngunit dumaan ang ilang araw, lingo at buwan, pero wala pa ding kompanya ang gustong kumuha sakanya kahit na isa siya sa mga ideal na aplikante dahil sa ganda ng resume nito at mga natanggap na awards noong nagaaral pa lang.

Pagkaraan ng paulit-ulit na pagtanggi sa kanya ng mga kumpanya, naisip niya na ang mga kumpanyang ito ay may diskriminasyon laban sa kanya.

Dahil sa mga nangyayaring pagtanggi sa kanyang mga aplikasyon, hinarap at kinausap niya ng masinsinan ang tagapamahala ng isang kumpanya na kanyang inaplyan at tinanong niya ito tungkol sa hindi pag aproba nito sa kanyang aplikasyon.

Nagulat siya sa sagot ng tagapamahala na:

“Binibibi, wala kaming diskriminasyon laban sa iyo. Kung tutuusin, napahanga kami sa iyong taglay na kakayahan at talino at interesado kame na makatrabaho ka.

Nakita namin ang iyong mga grado at napahanga kami dito. Ikaw talaga ang hinahanap namin sa kumpanya.”

“Kung ganoon naman, bakit hindi niyo ako bigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa inyong kompanya?,” dinagdag ng babae sa katanungan niya.

"Dahil nagsagawa kami ng background check sayo at nalaman namin na tatlong beses kang nabigo na magpakita ng ticket sa mga pambulikong sasakyan na sinasakyan mo araw-araw."



Nasabi ng babae na ang rason na iyon ay napakababaw para hindi siya tanggapin sa kumpanya.

Sinabi ng babae na: “Hindi ko maipagkakaila ang mga sinabi mo tungkol dito ngunit masyadong mababaw na rason ito para hindi niyo ako tanggapin sa trabahong inaapplyan ko."

for illustration purpose only

“Mababaw? Hindi ito isang mababaw na dahilan para hindi ka namin tanggapin dito. Nalaman din kasi namin na noong mga unang araw mo palang dito sa lugar na ito ay nahuli ka na din na hindi nagbayad ng iyong pamasahe sa pambulikong sasakyan."

"Binalewala namin ito dahil inisip namin na hindi ka pa pamilyar sa sistema ng pagbayad sa mga transportasyong pampubliko dito sa aming lugar. Ngunit nalaman namin na inulit ulit mo ang hindi magandang gawain na ito."

Sinagot siya ng babae na: “Wala lang akong pera noong mga oras na iyon.”

“Hindi, binibini. Hindi namin tinatanggap ang mga ganyang paliwanag at rason. Sigurado akong hindi ka pa nagbabayad ng tickets simula noong dumating ka dito sa lugar namin.”

Hindi nakuntento ang babae sa sagot ng tagapamahala kaya nasabi niya na lamang ulit na hindi sapat ang ganitong rason para hindi siya matanggap sa kumpanya. Tinanong niya pa kung posible ba na maayos niya ang problema at makuha ang trabaho sa kumpanya.

Sinabi ng tagapamahala na: “Ikinalulungkot ko, ngunit wala na. Nagpakita ito ng dalawang bagay na hindi namin ikinatutuwa. Una, hindi mo nirerespeto ang mga batas at alituntunin. Nakita mong may kamalian sa sistema ngunit sinuway mo pa rin ang batas. Pangalawa, ipinakita mo sa amin na hindi ka pwedeng mapagkatiwalaan.

Karamihan sa mga trabaho dito sa aming kumpanya ay nangangailangan ng mataas na pag-unawa para protektahan ang mga karapatan ng kumpanya at pati na rin ang pribisiya nito.



Ano na lamang ang mangyayari sa mga ito kung ipagkakaloob namin sa taong tulad mo ang mga pribilehiyong ito kung makita mo na pwede itong maabuso para sa iyong kapakanan?”

“Dahil dito, hindi namin matatanggap ang iyong aplikasyon. Kung tutuusin, walang matinong kumpanya ang kukuha sa iyo. Kahit pati ang buong Europe, kung ako lang ang makapagsasabi,” masinsinang isinagot ng tagapamahala.

Dahil dito, napaisip ang babae sa mga nagawa niyang kamalian.

for illustration purpose only

Sinabi pa ng tagapamahala na: “Kayang suportahan ng moralidad ang kakulangan sa pag-iisip ngunit, kahit kailan, hindi kayang panindigan ng karunungan ang kakulangan sa moral na prinsipyo.”

Ang mga prinsipyong ito ay importante na dapat makuha ng isang tao para sa kanyang sarili na mas pinapahalagahan kesa sa yaman o kapangyarihan. Walang magtitiwala sa iyo kung mayroon kang kakulangan dito.

Anong masasabi niyo sa babaeng ito? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes



Please follow and like us:

Related Post