Ayon sa Bagong Pag-aaral na ang Paglalaan ng Mas Maraming Oras sa ating mga Magulang ay Maaring Magpahaba ng Kanilang Buhay

Ang sabi nga ng marami na ang pagtawa ang pinakamabisang gamot sa lahat ng uri ng karamdaman. Sa panahon natin ngayon na napakabilis na ng pag-unlad ng sibilisasyon ay sumasabay na din ang mabilis na pagtanda ng mga tao.

Ang nakakalungkot pa ay ang papaikling buhay ng mga tao dahil sa maraming sakit mula sa mga pagkain, uri ng pamumuhay at ang iba ay dahil na rin sa matinding kalungkutan na dulot ng pag-iisa sa buhay.



Kelan ang huling beses na nakasama mo ang iyong mga magulang o kaya ay sila ay nakausapan mo man lang? Nabisita mo na ba sila tuwing bakasyon at walang pasok sa trabaho o sa iyong eskwela?

Kung hindi mo pa ito nagagawa siguro oras na para mabisita mo na sila o di kaya ay matawagan man lang sa telepono para makumusta. Dahil ayon sa isang pag-aaral, ang mga matatanda ay humahaba pa ang buhay kung sila ay masaya.

Sa pag-aaral na ginawa noong taon ng 2012, ang mga may edad na pitumpo’t-isa sa isang libo’t anim na raan na mga matatanda ay napag-alaman na may ugnayan ang pakikisalamuha sa kapwa tao at haba ng buhay nila.



Lumabas sa resulta na dalawampu’t tatlong porsyento ng mga matatanda ay naiulat na pumanaw na namuhay sa kalungkutan sa loob ng anim na taon. Pumanaw naman ang natitirang labing-apat na porsyento na may kasama sa buhay sa pareho ding panahon.

Ang nasabing pag-aaral ay nagbigay ng mga resulta na ang kalungkutan ay isa sa mga sanhi ng pag-ikli ng buhay ng mga matatanda. Ito ay napapag-ugnay din sa ilang uri ng problema sa kalusugan at nagbibigay-malay sa mga kahinaan dala ng pagkatanda, tulad ng Alzheimer’s, depresyon at sakit sa puso kung saan humahantong sa maagang pagkamatay.



Ayon din sa kahalintulad na pag-aaral ni Julianne Holt-Lunstad, isang Associate Professor sa Psychology mula sa Unibersidad ng Bringham Young,

“Ang pakikisalamuha natin sa ibang tao ay napakahalaga hindi lang para maging makabuluhan ang ating buhay kundi para humaba pa ito.

Tayong mga tao ay hindi maaaring mabuhay dito sa mundo ng mag-isa lang. Kailangan natin ng karamay at kasama sa hirap at ginhawa. Mula sa paraan natin ng pamumuhay, pagkain at kaligtasan ay kailangan natin ang lakas at kaalaman ng bawat isa. Na kahit sa kabila ng makabago at modernong panahon na madali na lang ang lahat ng bagay, ay hindi pa rin mawawala ang katotohanan na kailangan natin ang may kasama sa buhay.”

Kaya ang mga matatanda na walang pakikisalamuha sa kapwa o laging nag-iisa sa buhay ay nagkakaroon ng malalang sakit at dahil dito ay maaga silang pumapanaw.

Meron ding pag-aaral na ang mga Lolo at Lola na nag-aalaga ng kanilang mga apo ay may mababang peligro sa pagkakaroon ng sakit na Alzheimer’s.

Habang tayo ay lumalaki at nagkaka-isip sa buhay ay maraming mga bagay na ang pinagtutuunan natin ng pansin. Mula sa pagtatapos natin ng pag-aaral, sa pag-aasawa, sa pagkakaroon natin ng trabaho at iba pang bagay na ating mga ginagawa ay nakakalimutan natin ang kung ano at sino dapat ang mahalaga sa ating buhay…walang iba kundi ang mga magulang.



Kung gaano man kadami ang iyong ginagawa sa iyong trabaho at puno palagi ang iyong iskedyul para makasama man lang ang iyong mga magulang ng ilang araw ay maaari mo naman silang bisitihan kahit isang beses lang sa isang linggo o di kaya ay mabigyan ng oras para tawagan at kumustahin.

At kahit anong paraan na mararamdaman nila na hindi sila nag-iisa at ito ay makapaghatid sa kanila ng saya para sa ikakahaba ng kanilang mga buhay.

Dahil hindi natin hawak ang oras at hindi natin alam kung hanggang kailan tayo tatagal sa mundo. Ang ating mga magulang ay tumatanda na at hindi natin alam na ang pagbibigay natin ng konting panahon na makasama sila ay yon na pala ang huling pagkakataon na makaka-usap at makikita sila.

Kaya dapat nating pahalagahan ang bawat masasayang sandali na nakakasama pa rin natin sila at maparamdam natin ang pagmamahal natin sa ating mga magulang.



Please follow and like us:

Related Post