Ang batang 11 years old na Napabilib ang Buong Mundo Dahil sa Pagtugtog niya ng “Classical Gas” ni Maison Williams Gamit ang Ukelele

Sa mata ng karamihan, isang ordinaryong bata lamang si Feng E. Dala ang kanyang ukelele, tumutugtog siya sa lansangan ng Taiwan para maipakita ang naiibang talento niya sa musika.

Siya ay 11 taong gulang pa lamang, ngunit kung tutuusin ay daig niya pa ang bihasang musikero sa buong siyudad. Tumutugtog siya sa harap ng maraming tao at hindi nahihiyang ipakita ang naiibang talento.


Siya ay ipinanganak sa Taipei, Taiwan. Sa mura niyang edad namulat si Feng E sa mundo ng musika. Nagsimula siyang tumugtog ng ukelele, at dahil sa natatanging angking galing, siya ay agad sinabak sa isang kumpetisyon sa telebisyon.

Ang “Asia’s Got Talent” ay isang kumpetisyon na naglalayon na maipakita ang naiiba at natatanging talento nang mga Asyano. Ito ang naging daan para makilala ang batang ito hindi lamang sa buong Asya kundi pati na rin a buong mundo. Agad naman siyang nakakuha ng golden buzzer mula kay David Foster na nagdala ng kanyang kapalaran patungo sa semi-finals.

Dahil din sa “Asia’s Got Talent” ang batang si Feng E ay nakilala sa larangan ng musika. Maraming musikero ang namangha sa kanya, at naging laman siya nang pahayagan sa kanyang bansa. Nagdala siya ng tuwa sa kanyang buong pamilya at sa kanyang bansa.


Nagsimula sa isang kahinaan ang pagka hilig niya sa ukelele. Bata pa lang siya ay mahihina na ang kanyang mga daliri dahilan kung bakit kailangan niya itong igalaw at gamitin palagi. Upang maisaayos at mapalakas ito, nag umpisa siyang tumugtog ng ukelele.

Isa ang pagtugtog ng ukelele sa nagbigay nang magandang buhay sa kanya, hindi lamang naayos ang kanyang mga daliri, kundi nalinang din ang kanyang talento. Dahil sa dito marami ang napamangha at natutuwa sa batang musikero.

Hindi aakalain na siya ay 11 taong gulang pa lamang kung pakikinggan ang kanyang mga tugtugin. Iisipin ng isanordinarying tao na isa siyang bihasa sa larangan ng musika.


Isang paalaala ang buhay ni Feng E sa lahat ng mga batang may kahinaan, hindi hadlang ang kahinaan sa pag-abot ng pangarap. Hindi rin ito hadlang para malinang ang natatanging talento na nasa loob ninyo at handang mapukaw sa oras na matuklasan ito.

Tunghayan ang video dito:

Kid in Taipei playing Classical Gas on Ukulele