Ama Kinunan ng Larawan ang Kanyang Anak Habang Binibigyan ang Isang Pulubi ng Makakain, Ilang Araw ang Makalipas Isang Hindi Inaasahan na Tawag ang Kanyang Natangap

Sabay na kumakain sa isang restawran si Eddie Scott at ang kanyang 8-taong gulang na anak na babae na si Ella habang tinititigan mula sa bintana ng kanilang pwesto ang isang lalaki na nakaupo malapit sa kanila.

 

Habang sila ay kumakain ng kanyang Ama Napansin ni Ella ang matanda na nagiisa habang nakatitig sakanila at nangangayayat. Kaya naman ninais ni Ella na bigyan ang matanda ng konting makakain.



“Maaari ko ba siyang bigyan nito?” Tinanong ni Ella ang kanyang ama habang pilit na tumatayo mula sa kanyang kinauupuan. Kinuha ni Ella ang isang plato ng karne at patatas para ibigay sa lalaki. Sinubukan ng kanyang ama na kunan ang kanyang anak ng video upang makuha ang sumunod na pangyayari.

Pumayag ang kanyang ama sa balak nito. Lumabas si Ella mula sa restawran at ibinigay niya sa nangangayayat na lalaki ang kanyang pagkain.

“Iyan ang anak ko, mahal na mahal ko yan,” sinabi ni Eddie habang tinititigan ang kanyang anak mula sa bintana.



Nagulat ang matandang lalaki at napangiti sa alok ni Ella na pagkain.

Sinabi ng kanyang ama na: “Napakaganda ng ginawa mo, Ella. Kahanga-hanga ka talaga. Sa tingin ko, nabuo mo ang araw niya. Mas higit pa, nabuo mo ang linggong ito para sakanya.”

Naging mapagpakumbaba si Ella at binigyan niya lamang ng maliit na ngiti ang kanyang ama.

Ibinahagi ni Eddie Scott ang video ni Ella sa Facebook at umani ito ng milyon-milyong views. Ibinahagi rin ito ng napakaraming mambabalita sa telebisyon dahil sa ipinakitang kagandahang loob ni Ella.

Nakuha rin ang pahayag ng mag-ama mula sa pakikipanayam nila sa mga mambabalita. Naakit ni Ella ang libo-libong tao at nabighani niya ang mga puso nito dahil sa kanyang napakagandang pag-uugali.



Isinaad ni Eddie sa TODAY na: “Mayroong napakabuting puso si Ella. Sa tuwing napapadaan kame sa mga kalye at nakakakita siya ng pulubi, parati siyang humihingi sa akin ng pera at inaabot niya ito sa kanila.”

Nang kumalat ang video ni Ella, nakilala ang pulubing lalaki na iyon na si David Salkowski ng kapatid niyang babae. Makalipas ang ilang araw, tinawagan ni Roseanne Salkowski si Eddie.

Ang babaeng iyon ay naging emosyonal matapos siyang magpakilala. Ipinaliwanag niya na ang lalaking binigyan ni Ella ng pagkain ay kapatid niya at halos mag-aanim na buwan na itong nawawala. Si David ay 62-taong gulang at isa siyang beterano na nagdurusa sa isang kundisyon na kung tawagin ay “post-traumatic stress disorder.”

Nakita ni Roseanne ang kabutihang pinagkaloob ni Ella sa kanyang kapatid. Naging masaya din ito dahil nakita niya si David na mabuti ang kalagayan.



Ibinahaging muli ni Eddie ang hinaing ni Roseanne sa Facebook at naghahangad ito na maibalik muli si David sa kanyang pamilya.

Sinaad ni Eddie sa Facebook na: 'Si Ella ay natoto ng isang napaka importante at mahalagang leksyon matapos tulongan si David. Kung mayroon mang makakakilala at makakakita kay David, maaari kayong makipagugnayan saakin para matulongan natin na magkita ulit ang magkapatid na 6 na buwan ng nagkahiwalay. Nanggaling pa si David mula sa Philadelphia at nagsilbi para sa kanyang bayan bilang isang sundalo. Ngayon ay nagdurusa siya sa kundisyon na PTSD. Kung maaari sana ay ibahagi ninyo ang mensaheng ito upang matulungan natin si Roseanne at si David!”

Anong masasabi ninyo sa kabutihan ni Ella? Ibahagi ang inyong reaksyon upang matulungan silang magkapatid na magkitang muli.

source: goodtimes



 

Please follow and like us:

Related Post