Single Dad, Nagsuot ng Pambabaeng Damit Makadalo lang ang kanyang Anak sa Pagdiriwang ng Araw ng mga Ina sa Kanilang Paaralan

Isa ang Mothers Day sa pinaka mahalagang araw na ating ipinagdiriwang dito sa Pilipinas upang ipagbunyi ang ating mga mahal na ina para sa kanilang paghihirap at walang sawang pagaaruga sa atin.

Sa Thailand isang ama ang nagviral matapos itong makunan ng larawan habang ipinagdiriwang ang Mothers Day sa isang paaralan sa Thailand.

Ang nasabing ama na ito ay nag suot ng kulay rosas na damit pang babae at laso sa kanyang buhok upang makasama lang ang kanyang anak sa pag diriwang ng Araw ng mga Ina sa kanilang eskwelahan. Kung para sa iba ay nakakahiya ito, para sa ama na si Chatchai Parn-uthai ay gagawin niya lahat para sa kanyang anak kahit mapahiya siya mismo.



Si Chatchai Parn-uthai ay hiwalay sa kanyang asawa ng higit dalawang taon na. Hindi inalintana ni Chatchai ang hirap bilang isang solong ama dahil sa kagustohan niyang ibigay lahat ng pangangailangan ng kanyang dalawang anak.

Mahirap man na gampanan ang pagiging Ama at Ina ng magkasabay, pinapatunayan lang ni Chatchai na isa siyang mabuting Ama at Ina sa kanyang dalawang anak at ipinapakita nito kung gaano nya talaga kamahal ang mga ito kahit pa maraming hirap ang kanyang danasin at kahihiyan ang kanyang harapin.

Sa kagustuhan ni Chatchai na makadalo ang kanyang anak sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina sa kanilang paaralan, nag desisyon si Chatchai na magbihis babae upang makadalo sila sa pagdiriwang at maramdaman ng kanyang anak ang nararamdaman ng ibang bata na may mga ina kung paano nga ba magkaroon ng isang ina sa napakahalagang araw na iyon.

Sa Thailand, ang Mother’s Day ay ipinagdiriwang tuwing 12 ng Agosto para ipagbunyi ang kaarawan ng kanilang Reyna na si Majesty Queen Sirikit ang tinaguriang Ina ng lahat ng Thai.

Ang pagdiriwang ng mga ina ay ginanap ng mas maaga sa kanilang paaralan kaya naman para maka dalo ang anak ni Chatchai kailangan nitong magdala ng ina sa kanilang paaralan upang makasali sa ibat ibang nakakatuwang aktibedades nag lalahokan ng Mag-ina.

Dahil sa ginawang ito ni Chatchai, hinangaan siya ng marami, at para kay Chatchai, hindi siya nahihiya sa kanyang ginawa dahil alam niyang tama ang kanyang ginawa at ito lang ang tanging magagawa niya upang mapasaya ang kanyang mga anak.



“I am a single father with two children. For my son, I can do anything.

I don’t want my children to feel inferior and hope they can be happy. I didn’t feel embarrassed for wearing women’s clothes. It’s because I love my children very much. As long as I can see them smile, everything is worth it.”

Pahayag ni Chatchai.

Isang netizen ang nagupload ng video ni ‘Mommy Chatchai’ at agad itong nag viral sa social media at umani ng libo libong papuri at paghanga.

Halos umabot ng 5 million views at nadadagdagan pa ang nasabing video. Samantala madaming ina ang humanga sa ginawa ni Chatchai at sinabing isa siya sa dapat gawing inspirasyon.

Talagang kahit sino naman saating gagawin lahat para lang mapasaya ang ating mga anak. Kaya para kay Chatchai saludo po kami sa iyo. Isa kang tunay na mapagmahal na ama.

Panoorin ang napaka cute na video ng magama dito:



Please follow and like us:

Related Post