Security Head Officer Nakaipon ng Higit Kumulang Php85k sa Loob ng 11 Months Mula sa Kanyang Php100 Money Challenge

Dahil marami ang naglalabasan sa social media ngayon na ipon challenge, marami ang naeenganyong sumubok nito kaya naman marami din ang natutuwa sa nagiging resulta ng ipon challenge nila dahilan upang ibahagi nila ito sa social media para maging inspirasyon sa marami.

Ngunit ang madalas na sinasabi ng iba ay para lang ito sa mga taong may malalaki ang kita. Kaya naman isang lalaki ang nagviral sa social media matapos niya ibahagi ang kanyang ipon challenge.

Hindi kailangang mayaman ka o malaki ang iyong kinikita para maka ipon ng malaking halaga, ito ang pinatunayan ng isang Head of Security ng Agrarian Reform sa Quezon City na si Sir Jesse Palerit.

Si sir Jesse ay nakaipon ng higit Php85k dahil sa kanyang Php100 money challenge. Ayon kay Sir Jesse na nainspired siya sa kanyang mga nakikita sa social media na money challenge kaya naman sinubukan niya ito.



Sa bawat 100 pisong dumaraan sakanya, agad niya itong inilalagay sa kanyang alkansya. Dag dag pa dito ay ang tig 10 piso at 5 piso na idinagdag niya sa kanyang Php100 money challenge.

Katulad ng ibang money challenge gusto sana na buksan ni Sir Jesse ang kanyang alkansya pagkatapos ng isang taon ngunit napilitan siyang buksan ito sa ika 11 na buwan ng kanyang money challenge dahil puno na ang kanyang alkansya.

Nang buksan ni Sir Jesse ang kanyang alkansya, laking tuwa nito ng malaman ang eksaktong bilang ng kanyang naipon ay umabot ng Php84,515 sa loob ng 11 na buwan.

Ngunit ayon kay Sir Jesse na hindi naging madali para sa kanyang ang pagsubok na ito dahil napakahirap daw dahil sa mga pang araw-araw niyang kailangang gastusin.



This is just to encourage not only young people but also to all na ang pagtitipid at pag iipon ay npaka importante. Wala nmang pinipiling edad ang pag iipon. Ang importante may disiplina tayo sa sarili kong pano gumastos.

Hindi lng bibili tayo ng isang bagay dahil gusto natin ang tanung kilangan ba talagang bilhin? There’s a difference between wants and needs.

Ayon kay Sir Jesse na may mga pagkakataon na hindi nalang siya kumakain ng meryenda para lang ma isave niya ang kanyang Php100 at mailagay ito sa kanyang alkansya.

“Yung P100 kasi ang nakikita kong maraming bills at madaling ipunin. Yun din yung sa tingin ko ay kaya ko. Pag may P100 na buo ako, di ko talaga ginagastos. Talagang pinasok ko lahat. May time pa nga na kahit gutom ako tinitiis ko muna basta di ko ibibili ang P100,” ibinahagi ni sir Jesse sa FHM.

Ayon kay Sir Jesse na malaki din ang naitulong ng kanyang mga sideline upang mapagtagumpayan niya ang kanyang Php100 Money challenge.

Dahil maliban sa kanyang pag tratrabaho bilang security officer may mga sideline din siya katulad ng pagbebenta ng prepaid load at online ticketing business.

At dahil sa kanyang naipon binabalak ni Sir Jesse na gamitin ang pera na naipon para eexpand ang kanyang mga business.

Kaya para sa mga nainspired ni Sir Jesse simulan nyo narin mag ipon, kanya kanyang diskarte lang yan. Sigurado pagnapagtagumpayan niyo rin ang ipon challenge ninyo gaganahan na kayo lagi at mas maiiwasan ninyo ang sobrang pagastos sa mga hindi naman kailangang bagay.



Please follow and like us:

Related Post