Pinasok ng Isang Lalaki Sakay ng Kanyang Kayak ang 100 Taon Abandonadong Barko at Namangha sakanyang mga Nasaksihan

Masasabi na ang kayaking ay isa sa mga aktibidad na nakakapagbigay ng kagalakan habang nilalasap ang kagandahan ng kalikasan.

Karamihan sa mga eksperto sa pagka-kayak ay mahilig o mas gusto makipagsapalaran sa mga mapanganib na matubig na lugar kagaya ng mga ilog na malalakas ang agos.

Nangangailangan ito ng mainam na balanse mula sa mga taong gustong sumubok nito. Madali itong nakakalusot sa mga masisikip at makikipot na lugar kaya naman maraming tao ang nahuhumaling sa kayak.



Katulad na lamang ng lalaki na ito na ibinahagi ang kanyang napakagandang karanasan habang nagka-kayak sa loob ng isang abandunadong barko. Masasabing isa ito sa mga sumubok sa kanyang kakayahan sa pagka-kayak.

Nangyari ang napakagandang karanasan ng lalaking ito sa Romania na kung saan makikita ang isang barkong kilala sa pangalang “Empire’s Strength” na matatagpuan malapit sa baybayin ng Black Sea.

Nakapasok ang lalaking ito mula sa sira-sirang bahagi ng napakatandang barko na ito na halos 100-taon na ang tagal mula ng abandonahin.

 

Iilan lang ang mga taong nagtatangkang pumasok dito dahil napakamapanganib ang lugar na ito. Maraming mga matatalas na bahagi at kinakalawang na bakal ang makakasalubong ng mga taong nagtatangkang pumasok sa loob.

Kung isa ka sa mga taong naghahanap ng masaya at nakakapanabik na paglalakbay, isa ang bansang ito sa mga tinatangkilik ng turista sa Silangang bahagi ng Europe.

Kahit na kinakalawang na ang barko, tumuloy pa rin ang lalaki at hindi man lang siya nangamba ba maaari itong gumuho sa kanya. Ininda ng lalaking ito ang panganib upang masuri at magalugad ang loob na parte ng barko.

Nang makarating na siya sa masikip na parte ng barko, hindi niya na maaaring magamit ang kanyang sagwan at kinailangang gamitin na lamang ang kanyang kamay.



Kahit na nakakatakot pa ito, tumuloy pa rin siya sa kanyang pagka-kayak. Talaga nga naman na kahanga-hanga ang kanyang katapangan sa pakikipagsapalaran sa barkong iyon.

Sinasabing isa ang barkong ito sa mga nagamit ng England noong ikalawang digmaang pandaigdigan. Ginawa ang barko noong taon ng 1942 at ginamit ito bilang transportasyon ng mga naprosesong karne paikot sa Transatlantic region.

 



Halos ilang dekada na ang nakakaraan at marami ng turista ang nakapunta sa barkong ito. Lahat sila ay namangha sa tagal na panahong pagkakaabanduna nitong barko ngunit nakatayo pa rin sa gitna ng dagat.

Narito at panoorin ninyo ang video:

Anong masasabi niyo sa mga pinakitang katapangan ng lalaking ito at sa kanyang pakikipagsapalaran sa sira-sirang barkong iyon? Ibaha ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.



Please follow and like us:

Related Post