Mga Pinoy na Mahilig Bumiyahe at Magbakasyon Maari ng Makapasok sa 61 na Bansang ito Kahit Walang Visa

Isa ba kayo sa mga mahilig gumala? Well, para sainyo ang artikulo na ito dahil dito nakasaad ang listahan ng mga bansang hindi kinakailangan ng VISA para sa mga Pinoy travellers na gustong mamasyal sa mga bansang pinapangarap ng karamihan na mapuntahan.



Ang Visa ay isang uri ng katibayang dokumento na nagpapakitang pwede ka pumunta sa specific na bansa kung saan nakasaad din kung gaano ka katagal doon at kung ano ang dahilan mo sa pagpunta sa bansang iyon. Ang pag proseso ng visa ay hindi madali dahil mahaba ang proseso nito at napakaraming dokumento ang kailangan mong ipasa bago ikaw makapasa.

Samantala may ilan din namang mga bansa na hindi na nangangailangan ng VISA para sa mga pinoy at ilan dito ay ang mga bansang nasama sa Passport index na inilabas ng International Financial Firm Arton Capital.

Ang Pilipinas ay may visa-free score na 61 na ibig sabihin pwedeng bumyahe ang mga pinoy sa 61 na bansa kahit na walang visa.

Ang pilipinas ay pang 65th sa ranko kung saan nauuri sila sa "moderate low" kumpara sa ibang bansa.

Ang nangunguna sa rankings ay ang bansang Germany na may puntos na 159. Sinundan naman ito ng mga bansang Sweden at Singapore na may parehong puntos na 158 points.

Samantala pumapangatlo naman sa rankings ang mga bansang UK, US, Spain, at South Korea kung saan may pareparehong puntos na 157 points.



Pero tandaan nyo parin na may ilang bansa parin na hindi nirerequire ang visa sa departure dito sa pilipinas ngunit nirerequire parin pag dating sa kanilang airport.

Take note din na pwede palitan ng mga bansang naka lista sa baba ang kanilang visa policy ng walang pasabi. Kaya para makasigudo makipag ugnayan muna sa kanilang mga Embassies bago magtravel.

Kaya para sa mga gustong mamasyal sa mga lugar na hindi kinakailangan ng visa, narito at tignan nyo kung ano ano nga ba ang mga bansang ito at para makapag plano na kayo para sainyong susunod na out of the country vacation kasama ang inyong mga mahal sa buhay.

Visa-Free Access (30 Countries)

  • Bolivia
  • Brazil
  • Brunei
  • Cambodia
  • Columbia
  • Costa Rica
  • Cote d'Ivoire (Ivory Coast)
  • Ecuador
  • Fiji
  • Gambia
  • Haiti
  • Hongkong
  • Indonesia
  • Israel
  • Laos
  • Macao
  • Malaysia
  • Micronesia
  • Mongolia
  • Morroco
  • Myanmar
  • Palestine
  • Peru
  • Rwanda
  • Singapore
  • St. Vincent and the Grenadines
  • Suriname
  • Thailand
  • Vanuatu
  • Vietnam



Visa on Arrival (28 Countries)

  • Armenia
  • Cape Verde
  • Comoros
  • Djibouti
  • Dominica
  • Guinea-Bissau
  • Iran
  • Kenya
  • Kyrgyzstan
  • Madagascar
  • Malawi
  • Maldives
  • Marshall Islands
  • Mauritania
  • Mozambique
  • Nepal
  • Nicaragua
  • Palau
  • Papua New Guinea
  • Saint Lucia
  • Samoa
  • Seychelles
  • Tanzania
  • Timor-Leste
  • Togo
  • Trinidad and Tobago
  • Tuvalu
  • Uganda

E-tourist visa  (3 countries)

  • India
  • Tajikistan
  • Sri Lanka

Ano pang hinihintay nyo simulan na ang pagplaplano at mamili na ng mga bansang gustong puntahan.

source: kickerdaily



Please follow and like us:

Related Post