Mga Netizens Humanga sa Kakaibang Libangan ng Milyonaryong ito na Nagbebenta ng mga Nakokolektang Basura sa Halagang $20 Araw-Araw

Dahil sa lumalalang epekto ng climate change sa mundo, ang basura ay isang seryosong usapin na dapat bigyang diin ng pamahalaan at ng mga pangkaraniwang indibidwal. Lubha ring nakakaapekto sa kapaligiran ang maling paggamit at pagtapon nito. Ngunit sa kabila ng nakakaalarmang paksang ito mayroon pa ring may malasakit sa inang kalikasan na maaring tularan ng nakakarami.

Gaya na lamang ni Lisa Fiekowski na may kakaibang libangan na talaga namang nag iwan ng malaking katanungan sa mga netizen hingil sa kanyang mga ginagawa.



Alam niyo ba na si Lisa ay isang mayamang mula New York na may ari-ariang humigit $8 milyon, isa lang naman sa kanyang pag-aari ay nagkakahalaga ng mahigit $4 milyon. Kahit walang kaduda-duda na siya nga ay isang milyonaryo, nakahiligan na umano ni Lisa ang mag-ikot sa kanyang mga kapitbahay para mangulekta ng mga basura.

Ayon kay Lisa, nakakabenta siya umano ng humigit-kumulang $20 bawat araw dito, gayunman, kanya din daw umanong itinatabi ang bagay na kanyang nagugustuhan at inilalagay sa isa niyang pag-aari sa Brooklyn.

Ayon kay Lisa, habang siya daw umano ay kumikita kasabay naman nitong napapanatili ang kalinisan ng kanyang mga kapitbahay. Bagaman, may sangkaterbang pera, mayroon rin siyang sangkaterbang basura, basurang kinakainisan ng kanyang mga mayayamang kapitbahay. Dagdag ni Lisa, naniniwala siyang natutulungan niya sa paglinis ang mga ito, ngunit tila salungat sapagkat hindi sila umaasa sa anumang serbisyo mula kay Lisa.



Gamit niya ang lumang 1993 Toyota Camry na araw-araw namang punung-puno ng iba’t-ibang klaseng basura. Sa kabila ng kanyang hangarin upang makatulong, ganon naman ang pagkayamot ng mga kapit-bahay nito sa kanyang sasakyan. Ipinapakita lamang nito na kung gaano kawalang pasensiya ang lugar na ito.

Makailang beses din daw umanong isinumbong sa mga pulis ang kanyang sasakyang puno ng basura, bagaman ilang beses din itong hinahatak ay kusa naman din daw itong binabalik sa paradahan ng nasabing marangyang lugar sa kadahilanang legal naman itong nakaparada.

Lingid sa kaalaman ng lahat, si Lisa ay may antas na “Master of Business Administration o (MBA)” mula Chicago University. Bagaman matatawag na propesyonal, kinahihiligan na nito ang pangongolekta ng mga basura ng halos dekada na. Mula noon, naglalaan si Lisa ng oras sa paglalakad at pag-ikot ng kanilang lugar para kumita ng $20 bawat araw sa basura.

Maliit man ang $20 bawat araw para sa isang milyonaryang kagaya ni Lisa para sa kanya ginagawa niya lamang ito hindi dahil sa pera kundi dahil isa ito sa nagpapasaya kanya. “Iniisip ng pamilya q nakakatakot itong ginawa ko pero para sa akin nakakatuwa ito”, patawa nitong paglalahad.

Kung ikaw ay isang milyonaryo, magagawa mo din kayang mangolekta ng basura para sa $20 bawat araw?

source: buzzooks



Please follow and like us:

Related Post