Magkasintahan Nakapulot ng Ambergis ‘Whale Vomit’ na Nagkakahalaga ng £50,000 (Php3.5 Million) Habang Namamasyal sa Dalampasigan

Ang magkasintahang sina Gary at Angela Williams ay nakapulot ng isang napakabahong bato na may kakaibang itsura. Lingid sa alam ng nakararami, isa pala ito sa mga pinakamamahaling bato na maaaring makita sa ilalim ng dagat.



Nagmula ang dalawa sa Overton, Lancashire at naisipang mamasyal sa Middleton Sands beach nang may naamoy silang parang nabubulok na isda. Hinanap nila ito at sinundan hanggang sa nakita nila ang isang mabahong bato na may kakaibang itsura.

Ang nakita nilang bato ay tinatawag na “ambergis” o kaya naman mas kilala sa tawag na “whale vomit.” Ginagamit ang batong ambergis bilang isang materyales sa paggawa ng pabango.

Nabasa ng dalawa sa isang diyaryo ang tungkol sa kakaibang bato na ito. Nalaman nila mula rito na ang halaga ng bato ay napakamahal kaya naman nagmadali silang ibalot ang bato sa isang tela at dinala ito pauwi sa kanila.

Hindi inaasahan ng dalawa na makakakita sila ng ganoong bagay. Sinabi nila na:

[It was down a section of the beach where no-one really walks. It smells too bad though. It’s a very distinctive smell, like a cross between a squid and farmyard manure. It feels like a rock hard rubber ball. Its texture is like wax, like a candle. When you touch it you get wax sticking to your fingers.]

 

Tagalog Translation:

“Walang pumupuntang tao sa bandang bahagi ng dagat na iyon. Yun’ nga lang, umaalingasaw sa sobrang baho. Kapansin-pansin ang amoy na iyon. Para itong amoy ng pusit at mga dumi ng hayop sa isang sakahan. Ang batong iyon ay parang matigas na rubber ball. Ang tekstura niyo ay parang wax, katulad sa kandila. Napakalagkit nito sa daliri kapag nahawakan mo ito.”



Ang ambergis na nakita nila ay mas maliit kumpara sa isang rugby ball na may bigat na 1.57 kg. Ang presyo ng batong iyon ay maaaring umabot ng Php 3.5 milyon.

Noong nakaraang 2013, naiulat na may nakitang ambergis sa Morecamble na may bigat na 2.7 kg at nagkakahalaga ng Php 8.3 Milyon.

Habang sa dagat naman ng Anglesey, Wales, may nakita rin na ambergis na may bigat na 1.1 kg at naibenta sa presyo na Php 800K sa isang subastahan sa Macclesfield, Cheshire noong nakaraang Setyembre.

Isinaad ng dalawa na ang ambergis na nakita nila ay parang isang ginto na lumulutang sa dagat. Ngayon ay nakatago na sa kanilang pangangalaga. Naghihintay na lamang ang dalawa na maibenta ang bato sa mga perfume makers na handang makipag-negosasyon sa kanila.



Ngunit, ano nga ba talaga ang “ambergis?” Ito ang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa mala-gintong bato na ito.

Ang “ambergrease” o “grey amber” ay isang matigas, malagkit, at madaling masunog na materyal. Ang karaniwang kulay nito ay kulay abo o kaya naman ay sobrang itim. Nakukuha lamang ito sa loob ng tiyan ng mga balyena o tinatawag itong sperm whales.

Kapag ito ay nailabas mula sa katawan ng balyena, nagbibigay ito ng napakalansa at napakabahong amoy. Ngunit habang tumatagal, nagkakaroon ito ng matamis at mabangong amoy na katulad sa rubbing alcohol ngunit walang matapang na amoy.

Ginagamit ito ng mga perfume makers bilang isang “fixative” para mas tumagal pa ang amoy ng mga nagawa nilang pabango. Ngunit ngayon, napalitan na ito ng isang substansyang gawa ng tao na tinatawag na “ambroxan.”

Anong masasabi niyo sa ambergis na nakita ng mag-asawa? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito!



Please follow and like us:

Related Post