Mag-asawang Milyonaryo Ibinahagi ang Kanilang Kuwento Kung Paano Sila Nagsimula ng Kanilang Shomai na Negosyo sa Halagang Php100



Karamihan saatin ay naniniwalang kailangan muna natin ng napakalaking kapital sa negosyo upang kumita din ng napakalaki o kaya naman para makapagpatayo ng maganda at mabentang negosyo.

Pero para sa mag-asawang nakatira sa batangas, pinatunayan nila na sa halagang kapital na 100 piso ay puwede kana makapag negosyo at kumita ng malaki.

Si Reynante at Raquel Manimtim ay parehong nagtratrabaho dati sa isang maliit na restawrant kung saan kumikita lamang sila ng minimum na sahod ng isang ordinaryong empleyado.

Si Reynante at Raquel ay nagkaroon ng oportunidad na magkaroon ng sariling bahay at lupa ng may nag alok sakanila nito ng installment. Agad kinuha ng dalawa ang chansa na magkaroon ng sariling bahay at lupa dahil isa ito sa kanilang inaasam na pangarap.

Matapos nila mabayaran ang kanilang hinuhulugang bahay at lupa, nag desisyon ang dalawa na mag resign sa kanilang trabaho at makipagsapalaran sa negosyo sa maliit na kapital.

Dahil maliit lamang ang naipon ng mag-asawa galing sa kanilang pagtratrabaho ang tanging negosyo lang na kaya nila pasukin ay ang pagbebenta ng mga pagkaing mura at abot kaya nila.

Ibat-ibang murang produkto ang kanilang sinubukan. Sinubok din nilang magbenta ng banana cue kung saan si Raquel ang nagluluto at si Reynante naman ang naglalako paikot-ikot sa kanilang lugar.

Ngunit nahirapan ang magasawa dahil sa masyadong nakakapagod ang kanilang ginagawa lalo na ang paglalako palibot sa bayan at kumikita lamang sila ng 100 piso hangang 150 piso kada araw kung saan kulang pa sa kanilang pangastos sa araw-araw.

Kaya naman nagdesisyon ang magasawa na magdagdag ng panibagong produkto sa kanilang menu at dito na pumasok ang kanilang siomai.

Dito nila nakita na mas malaki ang kinikita nila sa siomai nila kaya nagdesisyon sila nitong huli na puro siomai nalang ang kanilang ibebenta.

Ayon sakanila ito ang pinaka magandang ideya at desisyon nilang naisip. Dahil dito nakapag pundar si Reynante ng bisikleta at nilagyan niya ito ng sidecar na gawa sa kawayan para mas madali nilang mailako at maibenta ang kanilang panindang shomai.

Isang araw habang nagtitinda si Reynante ay isang suki ang kanyang nakausap at binigyan siya ng ideya na mangutang sa banko upang dagdag pamuhunan sa kanilang negosyo.



Hindi nagtagal nakautang ang magasawa sa banko at nakabili sila ng motorsiklo kung saan may mas malinis at magandang foodcart. Habang tumatagal palaki ng palaki ang kinikita ng kanilang negosyo at ng matapos nila mabayaran ang kanilang utang sa banko, kumuha ulit sila ng panibagong loan para makabili pa ng motorsiklo na may sidecar carts.

Makalipas ang ilang buwan kumikita na ang magasawa ng Php45,000-Php 50,000 kada araw na halos ilang buwan nila kikitain kung sila ay nanatili sa pagtratrabaho sa restawran.

Dahil sa tagumpay sa negosyo na kanilang dinaranas nagkaroon ng sapat na ipon ang magasawa dahilan makamtan nila ang pangarap na makapagpakasal sa simbahan.

At kahit na marami ng pera ang mag-asawa at isa na silang milyonaryo dahil sa hirap at kanilang tiyaga, nanatili paring mapagkumbaba at mamuhay ng simple ang magasawa.

Ibinahagi ng mag-asawang ito ang kanilang istorya upang ipakita sa maraming tao na hindi kailangan ng malaking kapital upang kumita ng malaki. Naging inspirasyon din ang mag-asawang ito sa maraming tao na gustong mag negosyo at mamuhay ng masagana.

Panooring ang kanilang nakakainspire na video dito:



Please follow and like us:

Related Post