Lalaking Walang mga Braso at Kamay Nakakagawa parin ng mga Laruan Gamit Lamang ang Kanyang mga Paa

Dahil sa namanang kondisyon, ipinanganak ng walang mga braso ang apatnapu”t pitong taong gulang na si Geraldo Pereira. Ngunit hindi naging sagabal ito para lalo siyang maging masigasig sa pagtatrabaho.

“Matutong mamaluktot habang maikli ang Kumot” kasabihang siguradong mas lalong mauunawaan at maintindihan kung isasabuhay natin.



Ipinanganak man siyang hindi perpekto pero tila walang hindi kayang gawin si Pereira katulad ng mga ganap na karpentero. Kaya niyang mag martilyo at maglagari gamit ang mga paa upang makagawa ng mga laruang pambata.

Nakatira sa Lastro, sa hilagang-silangan ng Brazil si Pereira, mula pagkabata matatag at nasanay siya na hindi umaasa sa kanino man. Sa kabila ng kanyang kondisyon ni minsan hindi niya inisip na panghinaan ng loob o kaawan ang sarili, bagkus itinuring itong espesyal.



Ang kahanga-hanga at pambihirang kakayahan ni Pereira ang nakahalina at ang nakaagaw pansin sa mga tao at mga dayuhan sa kanilang lugar.

Ayon kay Pereira, kaya niyang makagawa at makabuo ng mga laruang sasakyan sa isang oras lamang at dalawang oras naman para sa mga malalaking klase nito. May pagkakataon din umanong kaya niyang yumari ng higit sampong laruan sa isang araw gamit ang lagaring pang kuryente.

Upang kumita binabyahe ni Pereira ang iba’t-ibang lugar dala ang kanyang mga gawang laruan para maibenta ito. Dagdag pa ni Pereira, nadiskubre niya ang kanyang kakaibang kakayahan ng nakumpuni niyang mag-isa ang sirang laruang binigay sa kanya nung siya’y bata pa lamang.



Pahayag ni Pereira, baon niya lagi ang paniniwalang, sa taong nag-iisip ay walang maaaring makakapagpasuko at makapagpaayaw upang malampasan ang ano mang hamon ng buhay.

Sa kabila ng kakulangan niya ng mga braso at kamay nagawa niyang makuntento sa kung ano man ang kakayahan na mayroon siya at kung paano pa lalong mapabuti ito, ilan lamang sa mga napakagandang katangian ni Pereira na bumubuo sa kanyang pagkatao.

Ipinapahiwatig lamang nito na ang anumang kakulangan sa iyong pisikal na anyo ay huwag hayaang makakapanliit at makapagbagsak sa iyong sarili, sa halip gawin itong inspirasyon upang maging masaya at maging mas mabuting tao.



Please follow and like us:

Related Post