Lalaking ang Pangarap Lamang ay Mabigyan ng Supply ng Tubig ang Kanilang Nayon, Gumugol ng 36 na Taon sa Pag-aaral at Pagawa nito



Lahat ng nilalang sa daigdig ay kailangan ng tubig, Gaano man kayaman ang isang tao hindi parin nito kayang mabuhay kapag dumating ang panahon na magkakaroon ng kalamidad at kakulangan sa maiinom na tubig.

Dahil ang tubig ay kailangan din ng mga halaman at hayop, ang kakulangan ng tubig ay maaring mauwi din sa kakulangan ng pagkain at maaring mauwi sa pagkagutom at mahantong pagkasawi ng maraming tao.

Kaya karamihan ng nakatira sa mga maliliit na bayan kung saan madalas hindi sila inaabot ng supply ng tubig ang naghuhukay sa lupa upang pagkunan ng supply ng tubig para lang patuloy na mabuhay.

Katulad nalang ng kuwento patungkol sa isang lugar sa bulubunduking probinsya ng Guinzhou sa China kung saan nakaranas sila ng panunuyo at halos lahat ng kanilang pinagkukunan ng tubig ay halos matuyo na.

Nangyari ito nuong 1950s, na kung saan halos marami ang nagkasakit dahil sa kakulangan ng supply nila ng tubig at kahit pa maghukay sila ng maghukay ay wala silang makitang mapagkukunan ng tubig.

Ayon sa isang deputy chief na nagngangalang Chief Xu Zhou na:

“Forget irrigation. We had a 330-square-meter rice paddy that was parched to the point you could put your foot in the cracks in the dry season. It was a serious problem. So, we started looking for a serious solution.”

Talagang naging malaking problema sa mga taga Guinzhou ang kakulangan ng supply ng tubig. Ang nakikita lang nilang solusyon ay ang lumipat ng tirahan kung saan mayroong supply ng tubig ngunit tumanggi na sumama ang mga matanda sa kanilang lugar kaya naman nagdesisyon sila na gumawa ng paraan upang umabot ang tubig mula sa kabilang bayan papunta sa kanilang bayan.

Hindi naging madali ang proyekto nilang ito dahil halos tatlong bundok ang pagitan nila sa kalapit nilang bayan kung saan mayroon supply ng tubig.

Ang kanilang pangarap na proyektong ito ay nagsimula noong 1959, ngunit hindi nila akalain na mas magiging mahirap pala ito kaysa sa kanilang inaakala. Sa loob ng 10 taon sobra sobra ang paghihirap ng kanilang mga trabahador. Nagtagumpay silang maabot ang lugar kung saan may supply ng tubig ngunit hindi dumaloy ng maayos ang tubig sa kanilang ginawang kanal kung saan hindi umabot ang supply ng tubig sa kanilang barangay.

Halos mawalan na ng pagasa ang mga taga Guinzhou dahil sa naging resulta ng kanilang proyekto. Pero hindi nawalan ng pagasa si Chief Dafa ang punong taga pamahala ng proyekto bagkos nagdesisyon syang aralin ang water-system engineering sa bayan ng Fenxiang.

Gumugul siya ng ilang taon upang pagaralan ang water-system engineering. Nakapagtapos sa pagaaral si Chief Dafa at nakamit ang titulo at ang kaalaman para maituloy at maiayos ang kanilang pangarap na proyekto para sa kanilang lugar.



Bumalik si Chief Dafa sa kanilang lugar noong 1990s kung saan dala dala nya ang kanyang kaalaman kung paano nga ba mapapagana ang water-system sa kanilang lugar. Kinombinse niya ang mga tao sa kanilang lugar na tulungan syang ayosin ulet ang kanal.

Muli, hindi naging madali ang pinagdaanan nila Chief Dafa ngunit dahil sa kanilang tiyaga at determinasyon na mabigyan ng supply ng tubig ang kanilang mga taga nayon, ang 7,200 metro na water canal ay natapos nila noong 1995 na may 2,200 metro na haba na branch channel. Naging matagumpay ang mga taga Guinzhou at hindi nasayang ang pinaghirapan at ang pagaaral ni Chief Dafa dahil nakapagbigay sya ng supply ng tubig sa kanilang baryo at hindi na sila muling mahihirapan.

Ngayon, ang kanal na ito ay nag susuply ng tubig hindi lang sa Caowangba kundi sa tatlo pang barangay. Dahil sa naging matagumpay ang proyektong ito ipinangalan kay Chief Dafa ang kanal na ito bilang alaala sa kanyang napakagandang hangarin at tagumpay.

Pinangalanan ang Canal na ito na Dafa Channel at dahil sa proyektong ito tumaas ang produksyon ng bigas sa kanilang lugar mula 25,000 kilograms hanggang 400,000 kilograms kada taon na pinakikinabangan ng higit kumulang 1,200 na katao sa kanilang lugar.

Ang lahat ng ito ay naging matagumpay dahil kay Chief Dafa at sa kanyang mga pangarap.



Please follow and like us:

Related Post