Kuhang Larawan ng Isang Matandang Babae na Nakasay sa Likod ng Dyip Pinagsimulan ng Debate ng mga Netizens

Sino nga ba ang hindi maaawa kung makakakita tayo ng isang matanda na nahihirapan at dala ng edad ay nalugmok pa sa hindi kaaya-ayang sitwasyon.



Isa na nga dito ang larawan ng matandang babae na nakasalampak sa huling bahagi ng sasakyan na nailabas ng Facebook page library para sa kanilang Pinaka-kontrobersyal na kaso kamakaylan lang.

Halos madurog ang mga puso ng mga Netizens sa nakitang larawan ng pobreng matanda sa di kaaya-ayang posisyon ng pagkakasakay sa pampasaherong dyip.

Dahil sa nakita nilang larawan naging dahilan para sila ay magalit sa mga kasamang pasahero ng matanda at kung bakit wala man lang naawa dito para ito ay bigyan ng maayos na upuan sa loob mismo ng dyip.

Nasabi pa ng karamihan na sa mga darating na panahon at malagay sila sa ganoon sitwasyon at sila ay matatanda na rin ay maaaring bumalik din sa kanila ang maling asal na makukuha din nila ang kawalang respeto at paggalang mula sa bagong henerasyon.

Ayon pa sa kanila, sa panahon natin ngayon ang mga tao ay hindi na marunong magbigay ng respeto at paggalang sa mga nakakatanda. Na parang ang iba ay pakitang tao na lang kabutihan sa kapwa lalo na kung ito ay mailalathala sa social media para sila ay umani ng papuri at pasasalamat. Na parang ang gawaing mabuti at pagtulong sa kapwa ay hindi na bukal sa loob at taos sa ating mga puso.



Karamihan man ay nadismasya sa nakitang larawan ng kawalang awa para sa matanda, ang iba naman ay nagpahayag ng sarili nilang opinyon patungkol sa isyu.

Ayon sa iba na maaaring mas pinili na lang ng matanda ang umupo sa pwestong iyon dahil sa nahirapan na siyang umakyat pa sa loob ng dyip at dahil na rin sa wala ng bakanteng upuan. (Na hindi pa rin magandang katwiran para balewalain ang katotohan na matanda na nga ang babae at kinaawaan na lang nila at may nag-alok ng mauupuan)

Nakakalungkot man na isipin ang ganoong senryo na nagpapakita ng kapangitan ng ugali ng karamihan sa atin ay may maganda pa ring naidulot ang nasabing larawan dahil nabuksan ang puso’t-isip ng marami kung gaano pa rin kahalaga ang tamang asal at pag-uugali na dapat ipakita sa mga ganoong sitwasyon sa ating kapwa. Na dapat igalang natin ang mas matatanda sa atin dahil darating din ang araw na tayo ay tatanda rin.



Please follow and like us:

Related Post