Kilala Bilang Elite Taekwondo Team sa Buong Mundo, Nagpamalas ng Isang World Class na Demonstration Performance

Nagtipon-tipon at nagpakitang gilas ang libo-libong kalahok sa 2018 Jeju World Taekwondo Hanmadang na itinuturing na pinakamalaking Taekwondo Festival sa buong mundo. Ang mga kalahok sa naturang prestihiyosong kaganapan ay nagmula pa sa iba’t ibang parte ng mundo para lamang magpamalas ng galing nila sa Taekwondo. Ginanap ito sa Jeju, South Korea ng apat na araw simula ika-28 hanggang ika-31 ng Hulyo.

Pamoso bilang pinakamalaking pagtitipon- tipon ng mga Taekwondo Practitioners, layon ng Taekwondo Festival hindi lamang ang masaksihan ang galing at pakikipagtagisan ng bawat isa sa larangan ng Taekwondo, ngunit pati na rin ang pagbuklurin ang lahat ng mga kalahok sa kaganapang ito at magkaroon sila ng mabuting relasyon sa bawat isa at maging ang mabuting relasyon, pagbigay kilala at unti unting pagpapayabong ng mga ito sa Korean Martial Arts.



Isa sa mga inabangang kaganapan ay ang paunang bungad ng Kukkiwon Taekwondo Demonstration Team na silang opisyal na nagbigay daan sa pag uumpisa ng taunang Taekwondo Festival. Sila ay binubuo ng mga mahuhusay at piling mga miyembro na may angking kagila-gilalas na talento sa larangan ng Taekwondo.

Kilala na sa buong mundo at mayroong magandang reputasyon sa larangan ng Taekwondo, ang naturang grupo ay binuo noong taong 1974 at nakapagpamalas na ng galing sa iba’t ibang parte ng mundo, sa mahigit kumulang isang daang bansa. Layon nilang ipakilala ang Taekwondo sa bawat tao, ang kagandahan ng pagsasagawa nito at pati na rin ipakilala ang kultura ng Korea na maipapakita nila sa kanilang mga isinasagawa.

Ipinakita ng Kukkiwon Taekwondo Demonstration Team na talagang kinabisado na nilang lahat ng aspeto ng Taekwondo sa pagsasagawa ng mga ilan sa mahihirap na mga teknik gaya na lamang ng Gyeokpa o ang teknik ng pagsira ng isang piraso ng kahoy gamit ang paghampas ng kamay o pagsipa ng paa.

Ilan pa sa mga teknik na ito ay kinabibilangan ng 540 Kick o ang paikot na pagsipa sa 540 degrees na rotasyon. Pati na ang Multiple Side Kick at Reflex Kick na kung saan ang isa ay tatalon sa pader upang gumawa ng mas mataas at matayog na talon mula sa pagkakabangga ng paa sa pader.

Hindi mapagkakaila na ang pagtatanghal ng grupo ang siyang naging pangunahing atraksyon sa kaganapan. Ito ang pinakainabangan sapagkat ito ang pagtatanghal na pinakapamosong grupo sa larangan ng Taekwondo. Sila ang nagsisilbing inspirasyon sa iba upang mas galingan ang bawat pagtatanghal ng mga ito at mas lalong pagyabungin ang kaalaman nila sa mga teknik sa naturang larangan.



Mababatid din na perpekto ang bawat eksekyusyon nila ng mga teknik at walang sinuman ang nagkamali o nagkaroon ng aberya. Tunay na mga propesyunal at kagila-gilalas na grupo sapagkat mahirap gawin ang kanilang mga isinakatuparan at nangangailangan ng pinakamataas na kaalaman sa larangan ng Taekwondo.

Hindi makwekwestiyon ang pagiging propesyunal ng Kukkiwon Taekwondo Demonstration Team sa larangan ng Taekwondo sapagkat kung susuriin ang kanilang pagtatanghal hay ito ay lubos na di kapani-paniwala dahil perpekto ang lahat ng galaw mula sa hampas, sipa at indayog ng kanilang mga katawan. Pati na bawat hakbang, suntok at maging ang pagtalon ay kalkulado at lubos na perpekto.

Ang Taekwondo ay isang Korean Martial Art na kakikitaan ng masining na pagtalon, iba’t ibang uri ng pagsipa at mabilisang paggalaw. Ito ay pinakilala ng mga Korean Martial Artists sa kasagsagan ng 1940s hanggang 1950s. Ang pinakamatandang nagpapanatili ng Taekwondo ay ang Korean Taekwondo Association o ang KTA na binuo noong 1959.



Sa kasalukuyan, may mga internasyunal na mga organisasyon na nangangalaga sa Taekwondo at ang mga ito ay ang International Taekwon-Do Federation o ITF na itinatag ni Choi Hong Hi noong 1966 at pinapagyabong na samahan ng Kukkiwon, itinatag noong 1972 at World Taekwondo na itinatag noong 1973 at ang punong tagapagpatibay ng Taekwondo sa mga Olympics at Paralympics.

Narito at panoorin ang kanilang nakakahangang World Class Performance:


credits: kukkiwon



Please follow and like us:

Related Post