Isang OFW Pinay na Kasambahay sa Saudi Nakatangap ng Higit Php500k at mga mamahaling Bagay Mula sa kanyang Napakabait na Amo

Marami sa ating mga kababayan ang napipilitang magtrabaho sa ibang bansa upang maiahona ang kanilang mga pamilya sa hirap at mabigyan ito ng masaganang buhay. Ngunit ang nakakalungkot lang ay marami sa ating mga kababayan ang naaabuso sa ibang bansa at madalas natin itong mabalitaan sa telebisyon, sa radyo at sa social media.

Ngunit hindi naman lahat ng mga OFW’s ay parepareho ng kinahinatnan dahil may ilan parin sa ating mga kababayan ang mapalad dahil may mabait silang employeer o amo.



Katulad nalang ng isang Pinay na nagngangalang Mhai San Pedro 31 taon gulang na nagtratrabaho bilang kasambahay sa Middle East.

Upang maiahon ang kanyang pamilya sa hirap napilitang magtrabaho sa abroad si Mhai. Bago pa man maging OFW si mhai, siya at ang kanyang asawa ay nagtratrabaho sa isang factory na may minimum na sahod.

Ang kinikita ng magasawa ay kulang na kulang pa sa kanilang pang araw-araw na gastusin lalo na ng madiagnose ang kanyang pangatlong anak na may pulmonary condition kung saan kinailangan nila itong dalhin ng pabalik balik sa ospital.

Dahil dito nabaon sa utang ang mag-asawa dahil kinailangan nilang mangutang upang matustusan ang pagpapagamot ng kanilang pangatlong anak.

“Di sapat ang kinikita namin. Nalubog ako sa utang. Alam mo yung sobrang down ka na, nilalait at pinagtatawanan pa nila yung kalagayan namin?” pahayag ni Mhai sa Filipino Times.

Dahil dito napilitan na mag-apply si Mhai bilang isang domestic helper. Napadpad si Mhai sa Saudi Arabia at naging katulong ng isang napakabait na pamilya.

Sa sobrang bait ng pamilyang napasukan ni mhai, binibigyan pa umano siya nito ng mga mamahaling bags, sapatos, pabango at cellphones.

Ayon pa kay Mhai na ng malaman ng kanyang amo na ang kanyang pamilya ay nakatira lamang sa isang tagpi tagping bahay inalok siya nito ng tulong na makapag patayo ng mas maayos na bahay para sa pamilya nito.



Sa walong buwan na pagtratrabaho ni Mhai sa kanyang employee hindi lang ang sahod nito ang naibigay kundi nabigyan din ito ng extra na pera pam pagawa ng bahay na umabot ng 35,000 riyals o higit kumulang Php500,000.

“Bukod sa love at care, eh tinulungan talaga nila ako magpagawa ng bahay. Nagpapagawa na ko ng bahay na magiging komportable na tulog ng pamilya ko kahit umuulan. Bilog ang mundo, hindi habang buhay nasa ilalim tayo,” pahayag ni mhai.

Ayon pa kay mhai na maliban sa tinulongan siya ng kanyang amo ang ng pamilya nito na makapagpatayo ng bahay nag ambag ambag pa di umano ang mga kamag anak ng kanyang amo upang matulongan siya na mabayaran ang mga hopital bills ng kanyang anak.

“Everyone in the family contributed – including their relatives. I felt hopeless that time and was in surprised when they gave me money for my daughter – I was overjoyed,” ayon kay mhai.

Talaga nga namang may mga tao na busilak ang puso at talagang napakabait na kayang tulongan kahit alam nilang hindi nila kalahi.



Please follow and like us:

Related Post